Hindi naman porket hindi ka na binibisita eh nakalimutan ka na. sadyang busy lang at wala maisip isulat sa iyo. kaya wag magtampo kung hindi ka na nabibisita.
Mahirap talaga pag gumana ang isa sa mga seven deadly sins, tulad ng akin pride kanina.. kahit sinong lalaki kasi tanungin mo ayaw talaga nila na nililibre sila lalo na kung babae to be specific ang girlfriend nila, ang girlfriend mo, at ang girlfriend ko. Aanhin ko naman kasi itong useless pride na to, hindi naman kasi ako talaga ganito mag isip eh, napapadalas na kasi eh kaya nahihiya na ako. Gusto ko kasi talaga mag mukhang karapat dapat sakanya na makapiling siya sa darating na debut niya dahil panigurado makikilala na ako ng buo niyang pamilya.
Sa buhay kailangan talaga natin intindihin ang bawat isa katulad ng napagtanto ko kanina.. " Kapag ikaw galit sinusuyo kita, pero pag ako galit. galit ka din " . Alam kong madami nang nagsabi niyan, naisip yan. Aaminin ko sumagi na sa isip ko yan pero ito lang eh. Tayong mga lalaki kasi kelangan natin din ng konting lambing aminado tayo jan lalo na kung nasaktan na tayo. Pero ito lang masasabi ko hindi ako mapapagod na suyuin ang babaeng mahal ko.. bakit? Dahil para sa akin ako , tayo ay nabuhay para manuyo. mas pipiliin kong ako nalang ang mununuyo ng manunuyo kesa naman makita ko siya na sinusuyo ng iba iyon ay pananaw ko lamang dahil iyon ang nais kong gawin.
Para talaga tayong panulat, tatalim sa bawat pagputol nito, sa bawat tasa na makukuha nito. Hindi tayo matututo kung hindi tayo mababali , hindi tayo magiging magaling kung lagi tayong pudpod at umaayon nalang sa gusto ng mundo. Pero sa bawat pag putol o pagbali nito dapat tayo matuto. matuto sa karanasan na nakuha natin at matuto maitama ang mga ito. Ano kinalaman nito? Sa bawat pagkakamali ko natututo ako kung ano ang gusto ng mahal ko, kung pano niya gustong itrato siya bilang prinsesa at balang araw kung paano maging reyna. Ako hindi hihinto sa pagligaw sa iyo CHI! sinagot mo na ako.. pero liligawan pa din kita at ipagpapatuloy iyon para pumayag kang maging aking reyna at bubuo tayo ng sariling fairytale.
kung ikaw may 365 na dahilan kung bakit mo ako mahal,
Ako may isa lang..
i love you for the reason..
Y-O-U