Thursday, March 7, 2013
Intsik ka ba?
Nahihirapan na ko sa sitwasyon namen. Konting may mali feeling ko niloloko na niya ko ulit. -___- gusto ko ng bumitaw pero mahal ko siya. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. HINDI KO ALAM KUNG PAANO AKO MAGIGING OKAY! Sobrang nahihirapan at nasasaktan nako.
Gusto kong umiyak. Gusto kong sumigaw hanggang sa mawalan ako ng boses. Gusto kong ilabas lahat ng sama ng loob ko. Gusto ko na siyang iwan pero hindi ko naman kayang makita siya na hawak na ng iba. Sobrang mahal ko siya pero sobrang nasasaktan na ko dahil na rin sa sobrang pagmamahal ko sa kanya.
Ilang gabi nakong ganito. Ilang gabi nang maga ang mata ko bago matulog. Ayoko na. Hirap na hirap nako. Hindi ko na alam kung paano ko tutulungan ang sarili ko. Hindi ko na alam kung paano ko magsisimula ulit na magtiwala sa kanya. Siya pinakaimportanteng tao sa buhay ko, alam kong ganun din ako sa kanya. Pero bakit kelangan niya kong saktan? Hindi ako makamove sa nangyari. Hindi ko alam kung panu...
Magtitiis nalang ako hangga't kaya ko. Ganito talaga pag nagmamahal. Sana maging maayos na kami. Nag back-read ako ng posts namen sa blog na 'to, at ayun nga. Yung kumot ko basang basa na ng luha ko. Namimiss ko na yung dating kami. Yung ang gagaan pa ng mga problema namin. Yung parang wala ngang problema eh. Yung laging sabik makita ang isa't-isa. SOBRANG NAKAKAMISS. San maulit pa yung mga panahong yun.
Intsik ka ba? Kasi mahal na mahal kita kahit INTSIKIT-TSIKIT na!
--Chi
Subscribe to:
Posts (Atom)