Monday, October 27, 2014

Kundiman

"Kung hindi man tayo hanggang dulo, wag mong kalimutan nandito lang ako laging umaalalay hindi ako lalayo. Dahil ang tanging panalangin ko ay ikaw."

Hi. Alam mo naman kung anong meron sa araw na 'to. Hindi ikaw yung ka-monthsary ko pero ikaw yung binibigyan ko ng long message. May gusto kasi akong sabihin kagabi pa. Hindi ko lang matext sa'yo kasi... basta! Dito ko nalang sasabihin. So eto na... Mahal na mahal kita pero hindi talaga ito yung tamang panahon para satin. Walang may alam kung kelan ang tamang panahon. Mararamdaman nalang natin yon. Hindi ito yung tama kasi sobrang komplikado talaga. Committed na ako sa iba, alam mo naman yun diba? Kung tutuusin pwede ko siyang iwan para sa'yo. Pero ayoko. Ayoko siyang iwan kasi ikaw ang dahilan. Gusto ko lang matapos yung relasyon namin dahil pareho na kaming nag give up, or pwedeng siya yung nang iwan sakin. Ang pangit kasi tignan na iiwan ko siya para sa isa pang lalaki. Gets mo naman siguro yung point ko dun? So ayun nga, ang pinopoint out ko eh, totohanin na natin na mawalan tayo ng communication. Ayoko 'tong itext kasi pag nagreply ka ng "ayaw mo" siyempre tatanggapin ko yun, wala ring kwenta pero pag tinanggap mo naman 'to, syempre masakit. Ang gulo gulo na kasi eh. Mahirap para sakin pero eto lang yung naisip kong tama. Hindi naman kasi pwede na dalawa kayo. Parepareho lang tayong masasaktan.

Yung promise natin, tutuparin natin yun. Sa ayaw at sa gusto mo. Babalik ako han. Promise yan. Pero kung hindi mo na ako mahintay at may iba ka ng magustuhan, okay lang. Ligawan mo siya, mahalin mo siya ng higit pa sa pagmamahal mo sakin at WAG NA WAG MO SIYANG IIWAN. Pag nakita mo na yung babaeng ipapalit mo sakin, PLEASE i-unfriend mo na ko sa facebook. Hindi ko kayang makita yun. Kayo. Ha? Wag mong kakalimutan yon.

P.S. Hindi dahil sa hindi ikaw yung pinili ko, hindi na kita mahal. Mahal na mahal kita kaya binibigay ko yung freedom na gusto mo. Sa pagbalik ko, pipilitin kong tanggapin lahat ng tao sa paligid mo. Magsisimula tayo ulit. Sana maantay mo ko.

P.P.S. Matatanggap ko kung magagalit ka sakin ngayon. Pero wag mong kalimutan na mahal na mahal kita.

P.P.P.S. Kitakits sa Mcdo Olivarez soon. :*

Thursday, May 29, 2014

...

Minahal na nga kita eh bakit kelangan mo pa kong saktan ng ganito?

Saturday, May 17, 2014

...

Hi. I'm back. I'm still here. Hehe I can't find my way out. Really. Yeah. Seriously. And it really kills me. Seeing myself still on the same spot where you left me for about six months ago. While you, you're ok now. Glad that you can withstand your decisions now. Good for you. Bad for me. Haha i guess. I dunno. But I'm trying to get out to this fuckin situation. I'm really trying. No one wants to be in this situation. No one. Just me. Just fucking me! Because its the only way I know to be with you. To be with you is all I want. But you just don't let me. That fact kills me! It kills me everyday! You don't have any idea how miserable I am now. Whybdo I need to suffer like this huh? I'm trying to be strong to face another tomorrow without you. Can you imagine where am I getting those strenghts I'm using everyday to throw jokes, fake smiles and laughs to the people around me? Can you imagine how tired I am now pretending to be happy where in fact I really want to give up and cry for the rest of my life? Can you imagine how badly I need you in my life and yet you're just neglecting me? Can you imagine how sad I am right now? I am sad beyond its meaning. And I don't know how will I appreciate the meaning of happiness again. I'm losing hope.

Friday, April 18, 2014

...

One day you’re going to see her holding hands with someone who took your chance. She won’t even notice you because she’s too busy laughing with the stupid jokes he makes. And it will burn your heart seeing that beautiful smile on her face and realizing that you’re not the reason anymore. And then it will finally hit you: it was her, it was always her.

See you when I see you. :)

-Chi

Thursday, March 27, 2014

...

Masakit pala yung habang pinapakita mong nandiyan ka lang pag kailangan ka niya eh pinaparamdam naman niya sa'yo na hindi ka niya kailangan.

-Chi

Wednesday, March 26, 2014

...

Ayaw mo na ba ako makasama sa pag-abot ng pangarap mo?
Oh. Okay.

-Chi

Monday, March 24, 2014

Unlike you, the ache will not leave

Ewan ko, ilang buwan na bang ganito? Apat na? Malapit na maglima. Pag naiisip kita, pag naririnig ko yung boses mo, pag magkausap tayo, nasasaktan ako. Hindi ko alam kung bakit. Siguro kasi iba na. Iba na yung way ng pag-uusap natin. Wala na yung lambing. Wala na yung jokes na kahit korni, wala tayong pakialam, basta galing sa isa sa'tin, tatawa tayo. Wala na yung bigla kang kakanta pag wala na tayong matopic sa phone at yun yung namimiss ko. One time, may nangharana sa'kin. Dun sa bahay nila Krisliz sa Marcopolo. Tinawagan niya ako, pinasilip niya ako sa may bintana sa 2nd floor, tapos andun siya sa baba sa labas. Kinantahan niya ako, pero hindi ako kinilig, nainis lang ako. Kasi ang nasa isip ko nun, kung ikaw to, di mo to gagawin kasi alam mong ayaw ko ng eksena. Pero wala eh, nangyari na yun, good thing may dala siyang pagkain nun so nakabawi naman siya. Pero binasted ko din siya kasi sabi ko sa sarili ko, "Konti pa, maghihintay pa ko."

Pagkalipas ng ilang linggo, o isang buwan na ata, narealize ko na ang tanga tanga ko. Ang dami pala diyan na willing akong pag-aksayahan ng oras, willing na mahalin ako ng sobra, willing na ipagdamot ko sila sa iba pero di ko sila binigyan ng chance. Siyempre dahil sa'yo yun. Dahil sa'yo pero hindi ka willing na pag-aksayahan ako ng oras, hindi na willing na mahalin ako, at hindi na din willing na ipagdamot kita sa iba. Ang tanga ko no? Ilang rejections na ba nakuha ko sayo? Ilang "Wag na muna. Tama na muna." yung natanggap ko galing sa'yo? Ang tagal mo na kong sinukuan... Kung ako na yung susuko, ok na rin naman siguro no? Sabagay, it doesn't make change. I know it won't affect you. It won't hurt you anyway.

Siguro nagtatanong ka kung bakit susuko na ko? Wala eh. Nakakapagod pala maghintay sa wala. Nakakapagod masaktan. Nakakapagod umiyak. Bukod sa pagod na yan, may isang guy na nakapagpawala niyan nung isang gabi na kasama ko siya. Actually with the new set of friends. Bonding time namin? Inuman siyempre. That time ang saya saya ko. Hindi pa naman ako ganun kasamang babae, may control pa din naman ako don't worry. So back to the guy, kanina lang, umamin na siya sa'kin. So there's "something" between us. Pero ewan ko ba sa sarili ko, gusto kong mafall sa kanya, pero natatakot ako. Siguro kasi natrauma na ko. Gustong gusto ko siyang mahalin, pero di ko magawa dahil sa takot na baka pag minahal ko siya ng sobra, iwan lang din niya ako. At ayoko ng maramdaman pa ulit yun. Maglilimang buwan na kong durog. Pabangon pa lang ako, natatakot akong baka masaktan ulit. Nung gabing kasama ko siya, nalimutan kita. And I was like "Wow. Pwede pa pala yun. May chance pa palang malimutan kita.". Nung gabing yon, ang yabang yabang ko kasi feeling ko nakamove on na ko. Ang gaan sa pakiramdam na nalimutan ko na yung sakit na araw araw kong nararamdaman.

Sa loob ng halos limang buwan kong paghihintay sa'yo, ang daming lalaking dumaan sa buhay ko. Ang ganda ko kasi. Haha pero pinanindigan ko yung sinabi ko sa sarili kong hihintayin kita. Pero habang pinaparamdam mo sa'kin na wala na kong halaga sa'yo ngayon, na kahit kelan hindi na ko magiging first priority mo, dun ko narealize na siguro tama na. Panahon na siguro para hayaan kong may ibang tao ng magpasaya sa'kin. Hayaan ko na sigurong mapunta na ko sa kanya, alagaan na niya ako, mahalin at pasayahin. Sana hindi na ko matakot.

-Chi

Friday, March 21, 2014

Solution - focused Therapy

Kung nalaman ko lang 'to agad, baka ok pa tayo ngayon. Try mo kaya magpacounseling sakin? Haha But I guess it's too late...


-Chi

Monday, March 17, 2014

A question

It was a question I had worn on my lips for days - like a loose thread on my favorite sweater I couldn't resist pulling - despite knowing it could unravel around me.

"Do you love me?" I ask.

In your hesitation, I found my answer.

-Chi

Sunday, February 23, 2014

There are many fish in the sea

Pero isang isda lang ang gusto ko... yung butanding. HAHAHA! binasted ko na sila. Oo, "sila". Maganda ako eh. hahaha I push people away knowing they will just leave at the end... like everyone does. Kung sino pa yung importante sa'yo, yun pa yung nang-iiwan. Pero yung mga bwisit na tao sa buhay mo, walang balak umalis. Haays life. How ironic.

-Chi

Friday, February 21, 2014

...

Sometimes I stay up at night for hours thinking about you and wishing we could be together again.

-chi

Thursday, February 13, 2014

What about love?

What if I took my time to love you?
What if I put no one above you?
What if I did the things
That really mattered?
What if I ran through
Hoops of disaster? 

No one would care if
We never made it
We're in this alone
So why don't we face it
There is no room to
Blame one another
We just need time to
Forgive each other 

What about love?
What about feeling?
What about all the things that make life worth living?
What about faith?
What about trust?
And tell me baby...what about us?


Third month singlesary. And yeah... still same old shitty situation.

-chi

Tuesday, February 11, 2014

I miss you

Bukas, 3 months na tayong break. At di ka pa din bumabalik. :(((( isang "hi" lang sa valentine's oh. Miss na miss na talaga kita. :( at mahal na mahal pa din kita hanggang ngayon. Binasa ko yung last na post mo dito, miss na miss ko na yung panahong mahal na mahal mo pa ko. Yung panahong kayang kaya mo pa ko paglaban. :( Yung panahong di mo pa ko sinusukuan. 3 months na tayong break bukas. Hindi ko alam kung maghihintay pa ko o magmomove on nalang. Ang dami kong gustong ikwento sayo, pero hindi ko magawang ikwento kasi baka di ka na interesado. Sabi mo dun sa last post mo dito sa blog "Hinding hindi ako mapapalitan sa buhay mo." Sana totoo yun. Sana.

-Chi

Monday, January 27, 2014

...

Hi! Wala akong makausap. Wala akong mapagsabihan ng nararamdaman ko ngayon. Wala rin naman kasing nakakaintindi sakin. Pagod na pagod na akong magpanggap na kaya ko 'tong nangyayari sa'kin... na kaya ko pa. Pero hindi na eh. Hindi na talaga kasi ang sakit sakit na. Pero wala akong magawa para mawala yung sakit na 'yon. Kung madali lang sana makalimot, edi san masaya na 'ko ngayon.

Sabi ko noon sa sarili ko, sa susunod na magkaboyfriend ulit ako, hinding hindi ko siya bibigyan ng dahilan para magselos. Kung magselos man siya, lalayuan ko yung taong yun para sa kanya. Hindi ko siya sasaktan. Hindi ko siya iiwan. Dahil alam na alam ko kung ga'no kasakit yon. Pero hindi ko nagawa lahat ng yon. Nagselos siya, nasaktan ko siya, pero yung iwan siya? Yun yata yung kaisa-isang bagay na hindi ko kayang gawin. Kasi hindi ko kayang mawala siya. Mahal na mahal ko siya. Pero ayun, sa pangalawang pagkakataon, iniwan na naman ako. Nung iniwan niya ako, kinukulit ko pa din siya. Ilang beses pa din akong nakipagbalikan sa kanya. Nilunok ko lahat ng pride ko. Naghabol ako sa kanya kahit na ang pangit tignan para sa part ko. Wala eh, mahal ko talaga siya. Pero wala rin namang nangyare. Mas masaya na siya ngayon. Siguro. Hindi ko alam. Wala na akong alam sa kanya ngayon. Pero isa lang ang nasisiguro ko, hindi na niya ako mahal. Kasi hindi naman niya hahayaang mangyari samin 'to ngayon kung mahal niya pa ako. Wala na siyang pakialam sakin. At yun yung pinakamasakit don.

Ilang buwan na din ang nakakalipas, pero eto pa din ako. Parang kahapon lang lahat nangyare ang mga yon. Hindi pa din ako makaalis. Hindi ko alam kung anong nagawa ko para iwan niya ko. Halos araw-araw kaming nag-aaway? Tss. Ilang beses ng nangyari yon, pero nalagpasan namin yon. Salungat ang schedule namin? Tss. Ilang sem na kaming nagkasama, pero nakakapag-adjust kami sa kung ano mang schedule namin. Ang labo labo. Hindi ko talaga alam kung ano bang nagawa ko.

Yung huling nagkita kami, ang dami dami kong gustong sabihin sa kanya. Pero hindi ko nasabi kasi ayokong umiyak sa harap niya. Ayokong makita niya akong umiiyak dahil nagbabakasakali akong masaktan siya kung makita man niya akong umiiyak. Kinimkim ko lang yung mga gusto kong sabihin. Sobrang sakit ng nararamdaman ko nun. Sa sobrang sakit, nakakapanghina. Niyakap ko siya at hinalikan sa huling pagkakataon. Hinawakan ko ang kamay niya, nagbabakasakaling makakuha ng lakas ng loob... pero binitawan niya lang ang kamay ko. Durog na durog talaga ako nun. Pero pinilit ko pa ding ngumiti at ipakitang masaya ako dahil ayokong sirain ang mood namin dahil alam kong huli na yon.

Kahit alam na alam kong hindi na tayo magkakabalikan, meron pa ding parte sa katawan ko na nagsasabing "hintayin kita". Nakakatanga~

~Chi