Monday, January 27, 2014

...

Hi! Wala akong makausap. Wala akong mapagsabihan ng nararamdaman ko ngayon. Wala rin naman kasing nakakaintindi sakin. Pagod na pagod na akong magpanggap na kaya ko 'tong nangyayari sa'kin... na kaya ko pa. Pero hindi na eh. Hindi na talaga kasi ang sakit sakit na. Pero wala akong magawa para mawala yung sakit na 'yon. Kung madali lang sana makalimot, edi san masaya na 'ko ngayon.

Sabi ko noon sa sarili ko, sa susunod na magkaboyfriend ulit ako, hinding hindi ko siya bibigyan ng dahilan para magselos. Kung magselos man siya, lalayuan ko yung taong yun para sa kanya. Hindi ko siya sasaktan. Hindi ko siya iiwan. Dahil alam na alam ko kung ga'no kasakit yon. Pero hindi ko nagawa lahat ng yon. Nagselos siya, nasaktan ko siya, pero yung iwan siya? Yun yata yung kaisa-isang bagay na hindi ko kayang gawin. Kasi hindi ko kayang mawala siya. Mahal na mahal ko siya. Pero ayun, sa pangalawang pagkakataon, iniwan na naman ako. Nung iniwan niya ako, kinukulit ko pa din siya. Ilang beses pa din akong nakipagbalikan sa kanya. Nilunok ko lahat ng pride ko. Naghabol ako sa kanya kahit na ang pangit tignan para sa part ko. Wala eh, mahal ko talaga siya. Pero wala rin namang nangyare. Mas masaya na siya ngayon. Siguro. Hindi ko alam. Wala na akong alam sa kanya ngayon. Pero isa lang ang nasisiguro ko, hindi na niya ako mahal. Kasi hindi naman niya hahayaang mangyari samin 'to ngayon kung mahal niya pa ako. Wala na siyang pakialam sakin. At yun yung pinakamasakit don.

Ilang buwan na din ang nakakalipas, pero eto pa din ako. Parang kahapon lang lahat nangyare ang mga yon. Hindi pa din ako makaalis. Hindi ko alam kung anong nagawa ko para iwan niya ko. Halos araw-araw kaming nag-aaway? Tss. Ilang beses ng nangyari yon, pero nalagpasan namin yon. Salungat ang schedule namin? Tss. Ilang sem na kaming nagkasama, pero nakakapag-adjust kami sa kung ano mang schedule namin. Ang labo labo. Hindi ko talaga alam kung ano bang nagawa ko.

Yung huling nagkita kami, ang dami dami kong gustong sabihin sa kanya. Pero hindi ko nasabi kasi ayokong umiyak sa harap niya. Ayokong makita niya akong umiiyak dahil nagbabakasakali akong masaktan siya kung makita man niya akong umiiyak. Kinimkim ko lang yung mga gusto kong sabihin. Sobrang sakit ng nararamdaman ko nun. Sa sobrang sakit, nakakapanghina. Niyakap ko siya at hinalikan sa huling pagkakataon. Hinawakan ko ang kamay niya, nagbabakasakaling makakuha ng lakas ng loob... pero binitawan niya lang ang kamay ko. Durog na durog talaga ako nun. Pero pinilit ko pa ding ngumiti at ipakitang masaya ako dahil ayokong sirain ang mood namin dahil alam kong huli na yon.

Kahit alam na alam kong hindi na tayo magkakabalikan, meron pa ding parte sa katawan ko na nagsasabing "hintayin kita". Nakakatanga~

~Chi