Thursday, March 27, 2014

...

Masakit pala yung habang pinapakita mong nandiyan ka lang pag kailangan ka niya eh pinaparamdam naman niya sa'yo na hindi ka niya kailangan.

-Chi

Wednesday, March 26, 2014

...

Ayaw mo na ba ako makasama sa pag-abot ng pangarap mo?
Oh. Okay.

-Chi

Monday, March 24, 2014

Unlike you, the ache will not leave

Ewan ko, ilang buwan na bang ganito? Apat na? Malapit na maglima. Pag naiisip kita, pag naririnig ko yung boses mo, pag magkausap tayo, nasasaktan ako. Hindi ko alam kung bakit. Siguro kasi iba na. Iba na yung way ng pag-uusap natin. Wala na yung lambing. Wala na yung jokes na kahit korni, wala tayong pakialam, basta galing sa isa sa'tin, tatawa tayo. Wala na yung bigla kang kakanta pag wala na tayong matopic sa phone at yun yung namimiss ko. One time, may nangharana sa'kin. Dun sa bahay nila Krisliz sa Marcopolo. Tinawagan niya ako, pinasilip niya ako sa may bintana sa 2nd floor, tapos andun siya sa baba sa labas. Kinantahan niya ako, pero hindi ako kinilig, nainis lang ako. Kasi ang nasa isip ko nun, kung ikaw to, di mo to gagawin kasi alam mong ayaw ko ng eksena. Pero wala eh, nangyari na yun, good thing may dala siyang pagkain nun so nakabawi naman siya. Pero binasted ko din siya kasi sabi ko sa sarili ko, "Konti pa, maghihintay pa ko."

Pagkalipas ng ilang linggo, o isang buwan na ata, narealize ko na ang tanga tanga ko. Ang dami pala diyan na willing akong pag-aksayahan ng oras, willing na mahalin ako ng sobra, willing na ipagdamot ko sila sa iba pero di ko sila binigyan ng chance. Siyempre dahil sa'yo yun. Dahil sa'yo pero hindi ka willing na pag-aksayahan ako ng oras, hindi na willing na mahalin ako, at hindi na din willing na ipagdamot kita sa iba. Ang tanga ko no? Ilang rejections na ba nakuha ko sayo? Ilang "Wag na muna. Tama na muna." yung natanggap ko galing sa'yo? Ang tagal mo na kong sinukuan... Kung ako na yung susuko, ok na rin naman siguro no? Sabagay, it doesn't make change. I know it won't affect you. It won't hurt you anyway.

Siguro nagtatanong ka kung bakit susuko na ko? Wala eh. Nakakapagod pala maghintay sa wala. Nakakapagod masaktan. Nakakapagod umiyak. Bukod sa pagod na yan, may isang guy na nakapagpawala niyan nung isang gabi na kasama ko siya. Actually with the new set of friends. Bonding time namin? Inuman siyempre. That time ang saya saya ko. Hindi pa naman ako ganun kasamang babae, may control pa din naman ako don't worry. So back to the guy, kanina lang, umamin na siya sa'kin. So there's "something" between us. Pero ewan ko ba sa sarili ko, gusto kong mafall sa kanya, pero natatakot ako. Siguro kasi natrauma na ko. Gustong gusto ko siyang mahalin, pero di ko magawa dahil sa takot na baka pag minahal ko siya ng sobra, iwan lang din niya ako. At ayoko ng maramdaman pa ulit yun. Maglilimang buwan na kong durog. Pabangon pa lang ako, natatakot akong baka masaktan ulit. Nung gabing kasama ko siya, nalimutan kita. And I was like "Wow. Pwede pa pala yun. May chance pa palang malimutan kita.". Nung gabing yon, ang yabang yabang ko kasi feeling ko nakamove on na ko. Ang gaan sa pakiramdam na nalimutan ko na yung sakit na araw araw kong nararamdaman.

Sa loob ng halos limang buwan kong paghihintay sa'yo, ang daming lalaking dumaan sa buhay ko. Ang ganda ko kasi. Haha pero pinanindigan ko yung sinabi ko sa sarili kong hihintayin kita. Pero habang pinaparamdam mo sa'kin na wala na kong halaga sa'yo ngayon, na kahit kelan hindi na ko magiging first priority mo, dun ko narealize na siguro tama na. Panahon na siguro para hayaan kong may ibang tao ng magpasaya sa'kin. Hayaan ko na sigurong mapunta na ko sa kanya, alagaan na niya ako, mahalin at pasayahin. Sana hindi na ko matakot.

-Chi

Friday, March 21, 2014

Solution - focused Therapy

Kung nalaman ko lang 'to agad, baka ok pa tayo ngayon. Try mo kaya magpacounseling sakin? Haha But I guess it's too late...


-Chi

Monday, March 17, 2014

A question

It was a question I had worn on my lips for days - like a loose thread on my favorite sweater I couldn't resist pulling - despite knowing it could unravel around me.

"Do you love me?" I ask.

In your hesitation, I found my answer.

-Chi