Saturday, November 3, 2012

Pre-monthsary post

7 days, 168 hours, 10,080 minutes and 604, 800 seconds to go...


...before our 8th monthsary. :) Yes. 8th monthsary. <3 tagal na namin noh?


Sa loob ng 238 days, sobrang daming nangyare. Ups and downs, twists and turns. Pero eto kami. Still together. :) Dahil sa mga nalagpasan naming problema, ang dami naming natutunan. At sa mga darating pa, alam kong mas madami pa kaming matututunan -- ng magkasama. :)

Ngayon ko lang narealize na ang hirap pala maghandle ng isang relasyon. Ang hirap magstay. Pero mas mahirap at mas masakit umalis. Syempre dun nalang ako sa hirap lang. Oo mahirap manatali sa isang relasyon pero may nagpapadali rin naman dito eh. Yung pagmamahal namin sa isa't isa. Eto yung bumubuhay sa relasyon namin. At kami ang bumubuhay sa isa't isa. Not literally. Pero kasi yung feeling na mawala lang ang isa sa'min, parang ang hirap na mabuhay. Diba babe? :)

At oo nga pala. Nagpalit na kami ng call sign for the third time. Hehe

Chi - eto yung tawag sakin ng babe ko nung 4th year high school kami. Mahabang kwento kung bakit niya ko tinawag ng ganun eh. Hehe

Paps - friends pa lang kami niyan. Hehe galing yang call sign na yan sa kwentong "She's Dating the Gangster" .

Babae/Lalaki - eto yung unang tawagan namin nung mga unang araw na naging kami. Ang sweet noh? Haha pero madalas, paps pa rin tawagan namin nun. Pero narealize namin na pang friends lang talaga yung call sign na yun kaya binago namin.

Wifey/Hubby - siya nakaisip neto. Nung unang beses na nabasa ko 'tong call sign na 'to sa She's Dating the Gangster, nakornihan talaga ako. As in naiinis ako sa call sign na yan. Pero nung si Pol na yung tumawag sa'kin niyan, ang ganda pala pakinggan. Ewan ko ba kung bakit. <3

Babe - eto na yung latest. :) at hindi namin alam kung mababago pa 'to. Siya din ang nag-isip neto. Hehe wala kasi akong tiwala sa sarili ko pagdating sa call sign eh. Nung nagsearch ako ang nasearch ko lang Bebito/Bebita. ^_^v


Babe, mahal na mahal kita. Alam mo naman yan babe. :) Sobrang mahal na mahal kita. Advance Happy Monthsary! :) Sorry kung madalas kitang inaaway bago magmonthsary. PMS! :*


Babe alam mo naman ang mga babae magulo mag-isip. Pabago bago. Pero eto lang ang nag-iisang sure ako at hindi na mababago. I'm willing to be your Mrs. Potato. :D haha! i love you! :*

Eight months and counting...

-Wifey

Thursday, October 18, 2012

psh!

Hindi naman porket hindi ka na binibisita eh nakalimutan ka na. sadyang busy lang at wala maisip isulat sa iyo. kaya wag magtampo kung hindi ka na nabibisita.


Mahirap talaga pag gumana ang isa sa mga seven deadly sins, tulad ng akin pride kanina.. kahit sinong lalaki kasi tanungin mo ayaw talaga nila na nililibre sila lalo na kung babae to be specific ang girlfriend nila, ang girlfriend mo, at ang girlfriend ko. Aanhin ko naman kasi itong useless pride na to, hindi naman kasi ako talaga ganito mag isip eh, napapadalas na kasi eh kaya nahihiya na ako. Gusto ko kasi talaga mag mukhang karapat dapat sakanya na makapiling siya sa darating na debut niya dahil panigurado makikilala na ako ng buo niyang pamilya.

Sa buhay kailangan talaga natin intindihin ang bawat isa katulad ng napagtanto ko kanina.. " Kapag ikaw galit sinusuyo kita, pero pag ako galit. galit ka din " . Alam kong madami nang nagsabi niyan, naisip yan. Aaminin ko sumagi na sa isip ko yan pero ito lang eh. Tayong mga lalaki kasi kelangan natin din ng konting lambing aminado tayo jan lalo na kung nasaktan na tayo. Pero ito lang masasabi ko hindi ako mapapagod na suyuin ang babaeng mahal ko.. bakit? Dahil para sa akin ako , tayo ay nabuhay para manuyo. mas pipiliin kong ako nalang ang mununuyo ng manunuyo kesa naman makita ko siya na sinusuyo ng iba iyon ay pananaw ko lamang dahil iyon ang nais kong gawin.

Para talaga tayong panulat, tatalim sa bawat pagputol nito, sa  bawat tasa na makukuha nito. Hindi tayo matututo kung hindi tayo mababali , hindi tayo magiging magaling kung lagi tayong pudpod at umaayon nalang sa gusto ng mundo. Pero sa bawat pag putol o pagbali nito dapat tayo matuto. matuto sa karanasan na nakuha natin at matuto maitama ang mga ito. Ano kinalaman nito? Sa bawat pagkakamali ko natututo ako kung ano ang gusto ng mahal ko, kung pano niya gustong itrato siya bilang prinsesa at balang araw kung paano maging reyna. Ako hindi hihinto sa pagligaw sa iyo CHI! sinagot mo na ako.. pero liligawan pa din kita at ipagpapatuloy iyon para pumayag kang maging aking reyna at bubuo tayo ng sariling fairytale.




kung ikaw may 365 na dahilan kung bakit mo ako mahal,

Ako may isa lang..


i love you for the reason..


Y-O-U

Friday, June 8, 2012

Monthsary's Eve

Monthsary's Eve


Siguro nga hindi talaga tuwing monthsary eh magkikita kami o magkakasama, 
Siguro nga kahit hindi naman maicelebrate sa araw na yun pwede naman PRE-monthsary o POST-monthsary diba, kaya ayun ang ginawa namin 


Two days namin isinelebrate ang monthsary kaso hindi nga lang sa actual date niya na 10.

1st day enrollment ko para sa second year normally pag nagpa enroll ako eh 6 or 7 ako pupunta para tapos na ako around 1 or 2. Pero ngayon umalis na ako ng mga pass 5 siguro mga 5 15 yun dumating ako sa Malayan ng mga saktong 7 o mag seseven palang siguro yun inagahan ko na ng sobra hindi dahil sa excited ako magpa enroll kundi excited ako makita si Ms Beautiful :) haha! Ayun 8 30 tapos na ako magpa enroll kumain saglit at pumunta na ng SM para makipagkita sa kanya. At siyempre una ako dumating (ako na excited) mga after 4-5 songs sa phone dumating din si Sleeping beauty. tumambay muna kami sa foodcourt and then kumain then pumunta ng perps para mag aral. mag aral mag dota :)
nanalo kami two times ang galing kasi ni yurnero at ni bloodseeker eh. then bumalik sa SM para kumain :) BURP!



2nd day Alam kong ang kulit ko ng araw na ito haha! i'm sorry! ano ano pa ba pinag gagawa ko nun mga 8 palang pinapaalis na kita sa inyo at nagpakiusapan pa tayo haha kung ano oras aalis sa inyo sobrang gusto na din kasi kita makita eh :)))) haha. bali dumating ako sa meeting place natin eh mga mag 10 palang haha! at dumating ka ng mga 10 20 dumating sa house ng 10 35 at umalis ng mga mag 1 haha grabe gutom natin kumain tayo sa UNLI RICE hehe! dami mo nakain waypi! first time kita nakita kumain ng ganung kadami haha kasi madalas hindi mo po nauubos yung pagkain mo eh pag nakain tayo. dumeretso tayo sa SM after at nanuod tayo ng BOY PICK UP! haha wala kasi yung gusto panuorin eh BOOM! BOOM! BOOM! ilang beses natin sinabi yan haha! hangang sa pag uwi bitbit namin yang BOOM! kapagod nga eh pero ang saya promise! so far ito pinkamatagal namin na araw na magkasama dati kasi 8 hours eh ngayon 9 sa susunod 24 na yan :) ILOVEYOU so much waypi :^*





HAPPY 3rd month ANNIVERSARY , babe,waypi,chubs,ganda,beautiful,wishart,mahal,hon,dear, at kahit anong call sign pa yan ang alam ko lang FIANCE kita at ikakasal na :)



PS: inedit ko nalan yung pinost ko

sorry for what i have done kung ano man yun at kung incosistent ako sorry .. sorry.. please forgive me


SORRY NA PO WAYPI kung ano man ang nagawa ko :|

i love you so much .. waypi i'm sorry and please forgive me 




Happy 3rd month anniversary

Knowing you will be with me in all my tomorrows, makes my today so wonderful. so be with me in every tomorrow i love you

© Merrill (hubby)

Friday, June 1, 2012

June na..

pagkatapos ng napakahalagang segundo,
pagkatapos ng mga hindi napipigilang minuto,
pagkatapos ng nakakainip na oras,
pagkatapos ng pangungulilang mga araw,
pagkatapos ng mga masasaklap na buwan,
HUNYO na ulit!


June na at masaya na naman mas madalas na naman kami magkikita ni CHI today ay June 2 at malapit na kami mag 3 months.. If we escape those 3 months we can finally say na nagsisimula na ang forever na gusto ng lahat.


sabi nila if you escape those 3 months you really deeply in love . it will became deeper and deeper. And kailangan nalang namin mag stayfoot sa relationship namin.

Papatunayan ko na mali ang quote na "Promises were meant to be broken". Gagawin ko lahat ng promises ko sa iyo.



Very Advance Happy 3rd Monthsary



May gift ako pero napaka small thing lang nito :)


 Te quiero Mi princesa Desde que te conocí no hago nada más que pensar en ti.






I have always been told to share my blessings and I have been generous, but when I met you, I said to myself, what’s the heck? You are one of the few blessings I don’t want to share with anyone else… i love you.

© Merrill (hubby)



Friday, May 25, 2012

HANDS UP! you win.. you win..



hindi maaalis ang tampuhan.. away.. bangayan.. at pagka inis... sa isang relasyon
hindi din yan dahilan para maghiwalay at iwan ang isa't isa at maglakad ulit ng mag isa.
sinusubok lang tayo ng panahon kung gaano katibay ang binuo naming pagmamahal.. 

kaya kami ni wifey ..  we don't break it ; we fix it

 All of us wants to be happy. everybody wants  happiness in their so called relationship, nobody wants pain either, but you can't have a rainbow without little rain..


HANDS UP!

hands up! suko na ako! T_T 

Suko na ako,
 - hindi dahil hindi ko na kaya, 
 - hindi dahil sawa na ako
 - hindi dahil ayoko na..

kundi dahil mas pipiliin kong tumahimik na lang muna at hayaang maging ok ka bago tayo mag usap ulit..


hahayaan na muna kita maging ok bago kita kausapin lalo na kapag umiinit na ang usapan natin at lumalanas na si INIS , si GALIT at si IRITA.. kapag yan kasi eh nasobrahan ng dosage eh hindi na natin alam kung ano pa ang pwedeng mangyaring mas malala? 

baka bigla kang pumutok at maisipan na iwan ako at hiwalayan na lang, na siyang hindi ko naman kaya, kaya mas mabuti pang tumahimik na lang muna at kausapin nalang kita kapag okay ka na dahil sa totoo hindi ko talaga kaya na mawala ka sa akin wifey..

hinding hindi ko kaya...


when i have you , i have nothing more in the world to wish for..


© Merrill (hubby)

Friday, May 18, 2012

Jollibee :)

'Pag nasa fast food ka, kahit na sabihin man yang "fast" food, 'pag umorder ka, kelangan mo pa ring maghintay. Kasi pag nagmadali ka, pwedeng mali ang pagkaing maibigay sa'yo o kaya naman kulang. Parang sa love lang yan kahit na humiling ka na kay God, kelangan mo pa ring maghintay para sa tamang tao para sa'yo at pag nagmadali ka, maaring maling tao yung mapunta sa'yo.  


Hmm, dati lang yun kasi nangyari na eh. Alam mo kung kelan yung best day of my life? Nung March 10, 2012 po yun at nangyari sa loob ng McDonalds Olivarez. :) Simula nung araw na yan, lagi na akong masaya. Yung tipong pagkagising ko pa lang nakangiti na ako hanggang sa pagtulog. Like this oh ^_______^ 

Kilala mo  yung best person in my life? Siya lang naman yung pinakagwapong si Paul Merrill Hementera... yung fiance ko... at yung sis ko. ^___^v (SISiguraduhin kong ikaw ang makakasama ko habambuhay) Yung nag-iisang tao na hindi sumablay sa pagpapangiti sakin. At hindi rin sumasablay sa pagkiss sa isang araw. :P 


Uhm, hubby...




Yup. Ikaw lang talaga habiness. Kasi naman, pag nag effort sa'yo, sure na hindi yun masasayang. :)) At mahal na mahal kita habiness. Hindi ko na rin maexplain kung gaano kita kamahal kasi sobra talaga at baka maging OA na pag dinescribe ko pa. Hehe


Sobrang miss na din kita habi. Kelan kaya ulit kita makikita ih. Nangungulila na koooooo. Huhuhu! Sobrang kulang lagi yung araw ko tuwing hindi kita nakikita at nakakasama. Hubby, i-fast forward mo na please...

Kung nagtataka ka kung bakit jollibee yung title nito at yung post ko eh wala naman kinalaman sa fast food na yun, well, nagugutom lang talaga ako kaya yun ang naisip kong title. Hehe at para ipartner na rin sa previous post mo. Kahit na magkalaban ang McDo at Jollibee, magpartner pa rin sila. Kasi pag nabanggit ang McDo, papasok din sa isip mo ang Jollibee. Parang tayo, pag nabanggit ang "Paul" kadikit na niyan ang pangalang "Tin". Kaya matatawag na din na magpartner tayo... forever. Kahit hindi man yan nag-eexist, pipilitin natin at tayo ang makakapagpatunay na pwedeng mag-exist ang FOREVER :)


-chi


Monday, May 14, 2012

McDonalds :)

       
Ang Mcdonalds ay isa sa mga fast food na kalaban ng jollibee o kaya ni KFC. At meron silang mga pagkain na sadyang nakakataba haha. Isa na din ito sa mga naging paborito kong kainan eh lalo na  pag kasama si chi. bigla naging special si mcdo kahit na bawal gamitan ng straw ang float nito kaya hindi mo eenjoy paboritong line ni chi yan pag nasa mcdo. 

Dito ko din nadinig ang hinding hindi makakalimutan na pag sagot saiyo ng taong mahal mo, in short ang pag sabi ni chi ng "tayo na paul" :) madami din naman nakakalam niyan, yung pakiramdam... masyado masaya kaya ang hirap na iexplain pero ang alam ko lang jan na nabuo ang mga araw na masasabi ko na din sa wakas na akin na si chi :)


and you.. you are


oo nga pala.


kaya pasensiya na kung seloso ha :) sorry :*



I LOVE YOU :^*




© Merrill (hubby)

Wednesday, May 2, 2012

Nahanap ko yung langgam!

haha! hinanap ko talaga yung langgam chi! Look! eto oh!



JOKE LANGS! AKO YUNG LANGGAM haha pero sa totoo lang hinanap ko pa talaga yung langgam haha yung nagbabasa pala mga 12 hours ago :)

tapos...

Naalala ko yung tanong mo chi na kung gusto ko ba si glai? Hindi ko lang talaga maala-ala kung kailan yun basta mga mid ng december yun. ganto pa pagkakatanong oh.. may gusto ka ba kay paps? ganyan ang pagkakaktanong mo nun sa natatandaan ko eh ang tagal ko pa ata nag reply at ang sabi ko ay oo. honest ako sa iyo eh.

Balikan natin yung tanong "may gusto ka ba kay paps?"  at sagot ko naman ay Oo,

Iba iba kasi ang meaning ng

crush, gusto at mahal o love . 

 para sa akin ha. parang ganito lang yan eh

  for now, for a month, for a life time

kung ang pagtatanong mo siguro eh mahal mo ba si paps? malamang sa alamang eh hindi ang isasagot ko.

Natatawa nga ako pag tinatanong mo kung bakit ayaw ko sabihin sa kanya? eh pano ako aamin kung sa iyo ako dapat umamin? kung sa iyo dapat dahil sa iyo ko nararamdaman ung salitang *love*mahal*any foreign etc* at sa pagtanung mo nyan ng ilang beses eh ayun KABOOOM nasabi ko sa iyo na mahal kita (nadulas ba ako o talagang sinabi ko nang mahal kasi kita chi)

at yang phrase na magkaibigan lang tayo pagkabasa ko nyan sa text mo para akong pinagsakluban ng inidoro at tabo at nabasa pa ng butas na tubo. Ilang beses mo din nasabi sa akin yan pero hindi ako huminto ang alam ko lang  mahal kita at hindi ako naghihintay ng kapalit ang gusto ko lang nun iparamdam sa iyo na mahal kita kahit ako sa iyo eh kaibigan lang. pero minahal mo din ako at sinabing tayo na nung ika-sampu ng marso taong dalawang libo at labing dalawa. haha

sa panliligaw palang umandar na agad yung pag treat ko sa iyo ng special ka. Isa na siguro dun yung hindi na ako pumunta sa concert ng urbandub ayoko kasi umuwi ka nang mag isa na ganoon eh at mas pinili ko na makasama ka kung hindi ako nagkakamali eh January 21 yun.

HAHA! oo nga pala nagpangap ako na boyfriend mo nun at ako pa mismo ang nagsabi na ako na ang magpapangap at ako na ang kumuha ng phone mo para itext na tayo na :) nagseselos kasi ako. madaming beses yun eh. nagkataon pa na bumili kami nang tinapay nun ni glai at dala ko yung phone mo at biglang may message na mahal kita *something* rereplyan ko sana nang mahal ba kita? eh diba maingay ako at sinasabi ko kung anong irereply ko kung hindi ako napigilan ni glai malamang sa alamang eh. MESSAGE SENT yun. haha!


pero eto ang sure!-----------------------------------------
                                                                                        |
                                                                                        |
                                                                                       V

pwede bang this day na? o kaya bukas para naman hindi mo masabi na excited ako :)


and in that moment



yan infinite kasi sabi mo po walang forever yan infinite :)



haha oh yan naman po ang masasabi ng langgam :P

WIFEY!CHI! I LOVE YOU SO MUCH

© Merrill (hubby)

Tuesday, May 1, 2012

Ang Kwentong Langgam




             I Like You. Pag naririnig ko yan or nababasa kung saan man, naaalala ko yung sa interview natin sa english. Pero, I have my own story behind that I Like You thingy. Matagal na rin naman kitang gusto powli. Simula palang nung "paps". Hindi lang siguro malinaw sa isip ko na gusto na kita nun. Hanggang sa December 3, birthday mo, kasama mo si Glai. Nagpunta yata kayo sa sm nun. Ayun, nagselos ako na hindi naman dapat. Hoho at sa mga sumunod pang araw na magkasama kayo ni Glai. Grabe, ayoko man aminin sa sarili ko nun na nagseselos ako, pero wala talaga, nangingibabaw yun. Whaha Hanggang sa naconfused ako at naisip kong iwasan ka nun. Kasi, hindi naman tama yung nararamdaman ko nung time na yun at isa pa, parang committed ako na ewan kay aris nun. Pero, nahirapan akong iwasan ka kasi... simula pa lang dati, special ka na sakin. Ewan ko ba. Haha!

            January 7, nagpanggap ka na boyfriend ko at tinext mo si Aris. Naalala ko pa nun nung gabi na, magkatext tayo, sabi mo "basta 7 ngayon" haha parang ganyan pero hindi eksaktong ganyan yung sinabi mo. Naisip ko bigla, "eh kung totohanin kaya namin?" pero may pumasok ulit sa isip ko ay "iba nga pala ang gusto niya". So, sawi ako. Lalo na nung tinanong kita "paps, may gusto ka ba kay glapaps?" Tapos nung umamin ka na meron, parang kinain ako ng kama nun. Haha! Pero, masaya na rin ako kasi nagtiwala ka sa'kin na sabihin yun. After nun, hindi ko na alam ang mga sumunod na pangyayari. Hindi ko alam kung paano nalipat sakin yung istorya na dapat eh, sa inyo ni Glai.


Pero, gusto mong malaman kung bakit ako nainlove sa'yo? Kasi...


Yung kasweetan mo yung nagpakain sakin ng mga sinabi kong "hanggang magkaibigan lang tayo" tsaka, ang saya mo kasing kasama. Naging komportable na ako pag kasama ka. Yung mga trip natin madalas nagtutugma. Haha! Puro kalokohan. Pero sobrang saya ko pag kasama kita. Hindi mo lang pininturan ng pink ang buhay ko, pero pinuno mo yon ng mga patatas. Haha 

Powli...


 Mahal na mahal kita. Sobra po. Hindi ko man po madalas masabi ng personal, pero handa akong iparamdam sa'yo yun hubby. Kasi naniniwala talaga ako sa "action speaks louder than words" kaya pag nag a-i love you ka sakin at hindi ko sinasagot, hindi po ibig sabihin nun na hindi kita mahal. Hindi lang talaga ako sanay ng sinasabi yung nararamdaman ko. ^_^


Hubby, diyan ka na tumira ha. Wag ka na pong aalis diyan. Kahit puro cholesterol ang kasama mo diyan, diyan ka lang ha. I love you so much. 


Pst! You stole my heart, so I will steal your last name. *wink*


PS: Ahm, kung hinahanap mo yung langgam sa blog ko, hehehe sige po hanapin mo lang. :P 



-chi


Sunday, April 29, 2012

my life

my life
that is the best thing that i can describe you
and the world has no meaning without you


BOOOOM! MEMA!


haha! wala siguro sobrang miss na naman kita, kasi parang 9887475 million years nanaman ang nagdaan eh 


buti nalang


kahit hindi man tayo lagi nagkikita these days . It's just the power of making love grow each day. Kaya habang nagtatagal mas lalo ako napapraning sa iyo at keep falling inlove in you again and again but deeper and deeper then deepest :)


When you feel alone, just look at the spaces between your fingers, remember that in those spaces you can see my fingers locked with yours forever





© Merrill (hubby)

Saturday, April 28, 2012

after how many days

after one, two, three, ten and so on..






at last..
 i saw your smile
i heard your loving voice in real
i cuddle you in my arms
i felt that soft lips
and the warmth of your hug i always wannted
at last..
i see you, my you, only you


After ilang days nagkita nanaman kami ng mahal kong wifey kung hindi kami nagkita ewan ko lang kung susurvive pa ako sa bakasyon na to. ilang araw na lang naman eh, ilang araw na lang .



wifey.. Only you, you're the only thing I'll see forever. In my eyes, in my words and in everything I do.


i love you more than anything


i love you..
can i? can i keep you forever wifey? please...






© Merrill (hubby)

Monday, April 23, 2012

psst .

psst! ibubulong ko lang sana na ..


Miss na miss na kita wifey, hindi na ako makapag hintay sana pwede kong itulog lahat agad ang mga darating pang araw ng makita na kita at mahagkan <wow> 

Wifey, Thank you sa pagbasa ng mga kwento ko ha ! :) alam ko naman na hindi ganun kaganda yun ikaw lang naman kasi pinakamagandang masasabi kong akin ih. hahaha kasi out of 5 na pinabasa ko ikaw lang ang nagsabing maganda yun :) 


konting konti nalang tapos na ang summer


I love you ♥


© Merrill (hubby)


Wednesday, April 18, 2012

Magic!

 there are seven continents , separated by the seven seas
 there are hundred countries , owning a thousand of islands
 there are billion people and few we're i already know

 but there is one and only you wifey! 
 and just like magic you became my favorite part in this world and sheltered my heart


 Magic! Mahika! Abada kadabra! Sisbumba! :)
 
 It's magic each time we hold each other, each time we cuddle, and each time we kiss. I feel goosebumps all over again. I never want to let you go for fear of losing you, so I just hold on a little bit tighter each day, refusing to let go. You will never know the warmth I feel inside me when I'm with you. You're all I ever wanted.



 Magic, I believe in magic since you came in this colorless life. And own me by your spells and charms. :)


Your magic makes you my everything, without you I'm nothing

I love you wifey :*

© Merrill (hubby)

Monday, April 16, 2012

isa..dalawa..tatlo..

days left?
ilang araw pa ba bago kita makita?
ilang araw pa ba bago ulit kita makasama?


isa...dalawa..tatlo..apat..lima..sampu..



nalilito na ako sa pagtingin at pagbilang sa kalendaryo kung ilang araw pa bago ulit kita makikita wifey bakit kasi unfair eh. sa tuwing magkasama tayo parang dumadaan lang sa palad natin ang oras parang bumili lang ako ng ice cream at nung naubos ako eh bitin pa din na gusto pa sana bumili kaso hindi pwede ipilit at sa tuwing hindi tayo magkasama parang mistulang taon na tayo hindi nagkita at ang bagal bagal ng oras para bang umorder ka sa fast food at walang available na seats gusto mo na umupo pero yung ibang tao eh ayaw pa din tumayo kahit tapos na kumain.

basta ang masasabi ko lang ..

i definitely miss you and my biggest fear is losing you and this is absolutely true. Someday i will wake you up in the morning seeing your wrinkles and gray hair but still and i know i will fall in love with you all over again . i love you so much wifey


i love you wifey

© Merrill (hubby)

Sunday, April 15, 2012

44 days to go


Yep. Being with you is greater than anything. =)) I miss you so much wabii. Sana mafast forward na ang summer. Sobrang namimiss na kita ih. Gusto na ulit kita makasama. Kung pwede lang sana. :| Pero, maghihintay naman ako hubby. Promise. :* Hihintayin kita. ^.^ Maikli lang naman yang 44 days na yan eh. Diba? ^__^

Maikli lang 'tong post ko kasi baka ipa-spell mo na naman sa akin ang MIGRAINE. Hehe baka pagalitan mo na naman ako. So, hanggang dito nalang po ang post ko. I love you so much hubby. :*


-chi

Tuesday, April 10, 2012

To my dearest hubby (part 2),

Here's the part 2. A more serious one. I hope so. :P
MagPROMISE ka muna na babasahin mo muna yung part 1 bago 'to.
Wag kang talkshit. :P


They say that everyone has someone in their life that makes them look forward to the next day. Well, hubby, thanks for being that person for me. 


Thank you
...for always putting a BIG smile in my face like this ^___________^
        -Every time na magkasama tayo hindi pwedeng hindi ako ngingiti or tatawa. Laging sumasakit yung panga ko sa kakatawa sa mga kwento mo. =)) Hanggang sa pag-uwi ko, nakangiti pa din ako. Nakakahawa na kasi ang kabaliwan mo. :P

...for putting colors in my life
        -Ayy, wait. Let me scratch that. Thanks for turning my life into color PINK. You know how much I love that color. Right? =D Simula nung naging tayo, kahit nga nung hindi pa eh, nung time pa lang na lagi tayong magkasama t'wing friday and saturday at nagdodota sa may perps, dun palang napapalitan mo na ng kulay ang colorless kong buhay. Haha (nagrhyme pa.XD) Dun palang unti unti mo na akong nakukumpleto. What more pa ngayon? =)

...for being the ever so understanding boyfriend/husband/best friend
       -Hindi mo kasi ako sinusungitan pag may topak ako instead, you find ways para mawala ang topak ko. :P lagi ka lang andyan para intindihin ako. Kahit ako mismo, hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Pilit mo pa din akong iniintindi kahit na minsan, ayaw ko nang magpaintindi. Oo nga pala, sinama ko na din yung best friend 'coz we can both be lovers and best friends. Which is the type of relationship that I really want to have. =))

...for your time =))
       -Yung time na inaallot mo sakin para makasama ako, itext, tawagan, gumawa ng entry sa blog natin, basahin yung ginagawa kong kwento sa wattpad, makipagchat sakin at sa makinig sa mga hinaing ko sa buhay. XD Sobrang daming thanks hubby. Hindi ka kasi nauubusan ng time sakin kahit na busy ka. :*

Lastly...
...for your (*insert adjective here) LOVE
        -We know that hindi lahat ng tao kayang ibigay yan ng buo, ng walang pag aalinlangan, ng sobra, ng walang kondisyon at ng walang kapalit. Pero ikaw, ibinigay mo yan sakin kahit na sinabi ko sa'yo dati na hindi ko yan masusuklian. Kahit na sinabi ko dati na hanggang magkaibigan lang talaga tayo. Pero ngayon, nabusog ako. Haha! Kinain ko lahat ng sinabi ko. Kasi bigla akong napamahal sa'yo. =)

Honestly, nung 4th year tayo, simula nung nagkatabi tayo pag economics, ang tingin ko talaga sa'yo nun, parang kuya ko hanggang sa naging mag paps tayo. :)) Sa'yo lang kasi ako nakakapagsumbong ng kung ano ano eh. Tapos ang lagi mo pang sinasabi dati, "Ano babanatan ko na ba? Sabihin mo lang. Haha!" o kaya naman "Ipapakulam ko na ba Tin?" Hindi ko alam kung anong meron sa'yo at bigla akong napapashare ng kung ano mang problema ko. Hehe

Sorry
...sa pagiging pasaway ko. Pero hubby, don't worry. I'm REALLY trying to be a good girl for you and for Vic. XD Kasi ayokong maging sakit ng ulo mo. Ayokong magalit ka sakin dahil sa mga kalokohan ko. Lalo na sa school at sa kung saan pa man. Hoho sorry din kung minsan mas mahaba pa yung oras ko sa pagcocomputer kesa sa pagtetext sa'yo. I admit, adik ako sa wattpad. Pero, lilipas din naman po yun pero yung pagkaadik ko sa'yo, hindi 'yun magbabago. ^.^ Basta hubby, sorry po. :*


Sa loob ng 31 days natin bilang magboyfriend, nabago mo ako hubby -- unintentionally. Alam mo naman po diba na matigas ang ulo ko. I don't easilly listen to someone. Alam mo din naman na ayoko ng "dapat ganyan, dapat ganito". I hate instructions. I usually do what I want. Ayoko sa lahat, yung pinagbabawalan ako. Kahit na si Tess at Vic na ang nagsasabi ng "wag ganito, wag ganyan" mas madalas, ginagawa ko pa din kung ano yung kabaligtaran ng gusto nila. Ayoko kasi ng dinidiktahan ako. Lalo na pag pinupuna yung mga sinusuot ko. XD Ang nasa isip ko lang kasi, kaya ko ang sarili ko kaya gagawin ko kung ano ang gusto ko. But, you know what? Nung naging tayo, napansin ko na naghihintay muna ako ng permission mo bago ko gawin ang isang bagay. Nagpapaalam na ko sa'yo ng oras ng pag uwi ko. Yung isusuot ko, ipapaalam ko pa din. Kahit na alam ko naman sa sarili ko na hindi mo naman makikita yung isusuot ko kasi hindi naman kita makakasama sa araw na yun pero pag ayaw mo talaga, hindi yun ipipilit. Kasi ayokong magalit ka. Ayokong mawala ka. 


Mahal na mahal kita hubby, alam mo yan. SOBRA. At itong mga bagay na 'to, hindi ko naman 'to ginagawa dati eh. Sa'yo lang. Kasi sobrang special mo. :*


I will always and forever be in love with you. I love you so much. 

Happy 1st Monthsary!

-wifey

To my dearest hubby,

Happy monthsary. :* We're on our 31st day. Weeeeeee! Hehe sayang nga lang at hindi tayo magkasama ngayon. Pero okay lang 'yon. Sabi mo nga "Hindi tayo mauubusan ng monthsary." Which means, marami pang monthsary na dadating na pwede na tayong magcelebrate together. ^____^ Pero, sorry talaga kagabi. Sira talaga yung mood ko and sorry kung pati yung mood mo eh, nasira ko. I hope not. Pero, sorry na din. :*
And yeah, I'm thinking of something na ikaka-surprise mo. Unfortunately, naubusan ako ng time sa pag-iisip and masyadong puno ang utak ko kahapon sa mga bagay na wala namang magandang maidudulot sakin -- sa atin. Hoho pasensya, masyadong paranoid ang asawa mo. Dala na rin siguro ng mga nababasa ko sa wattpad at mga napapanood kong movies. XD

Thanks sa entry mo sa baba. :D Sobrang naappreciate ko lalo na yung tula. You're so great. Masyado nga lang akong na-nosebleed. Haha! Pero, ang ganda talaga. ^.^ at yung pictures, havey na havey. Hehe Gusto ko pa sanang pahabain 'tong entry na 'to pero I'm running out of words. Haha! 'Pag naiisip kasi kita, 3 words lang ang nasa isip ko eh. Guess what? -- You're so Great. Hehe 'de joke. Syempre, I LOVE YOU. =)) Para kasing yung 3 words na yan is equal to PAUL. ^.^ (quota na yata ako? haha pero totoo yan hubby. hihi)


I LOVE YOU SO MUCH PAUL MERRILL DELA PENA HEMENTERA :*

HAPPY MONTHSARY! =)


-wifey

PS: May part 2 pa 'to. Hehe at hindi ako makagawa ng *enye dito sa netbook. Haha I dunno how. =)

Monday, April 9, 2012

First Monthsary :*

First Month, 
One month na kami :)

Nakakalungkot kasi First Monthsary namin pero hindi kami magkasama, magcecelebrate kami sa text lang tapos sa text na nga lang mamaya uminda pa yang katopakan ni TM nakakainis lang. pero kahit ganun,











Wifey dun sa dulo naduling ata ako haha! dapat yung out ay our. sorry (malabo na ang mata ng asawa mo eh ). hindi ko alam kung paano ko gagawing special to para sa iyo. Para masabi nating happy nga tong monthsary natin. 

Gumawa ako ng tula para sa iyo , simula nung vacation, kasama na yung mga pasok pasokan ko binuo ko to for our first monthsary .. sorry wifey kung hindi siya ganung kaganda. I love you.

Sweet Caress

Lost out and absorbed in night 
Eyes were searching for heaven's light 
then your constellation shines so brightly
for god knows , how i missed you so deeply

perceives your warm existense tooks away the misery
the charm of your spells owned me so desperately 
your delicate smile that keeps this in harmony 
voice of yours so tender serves as a sweet melody

in my entire life one thing is for sure 
to prove and show that my sweet caress were pure
i assure you this will be truly our destiny
these months will turn to years then eternity

my smiles were conjure for hatred and sorrow  
then you came and rose me from being throw
blessed for the gift that has been sent above
your my angel, lights up my world,and offer this divine love

problems may come and trials were made
to test this relationship but it will never be fade
for you were my priceless treasure, and cherish so true
my perennial love will be offer for my one and only you  
 
~PMHEM


Ok time check 12:09 na ng umaga haha . gusto ko sana eh saktong 12 ko to ipopost kaso mabagal ang net.. wifey i love you , Love may blind or whatever you wanna define but wifey my love for you is truly divine. 

Happy monthsary :* wifey , oo hindi tayo magkasama ngayon sa mismong monthsary natin pero kahit ganun i aassure ko naman na hindi tayo mawawalan at mauubusan ng monthsary eh :)

wifey, your voice is better than all my favorite songs put together. You have been the source of my strength and always there to support me and took away the darkness of my life being endowed.

I will walk with you side by side for only one condition: hide your wings every time we walk together because the whole world might know that you're my angel! :)

I'm not sure what life could bring you. I'm not sure if dreams do come true. I'm not sure what love can do. But I'm sure about one thing. I love you.

but above everything else,To love is one thing, to be loved is another, but to be loved by you is Everything.






Happy Monthsary wifey :* I love you so much :* I miss you :*  (ayaw ko kumiss nuh) :*


I will be yours, you will be mine, together we will be one love :*


© Merrill (hubby)

Sunday, April 8, 2012

missing you

sabihin man nilang mali ako, alipin mo o bihag mo ako'y iyong iyo....


Vacation? Masaya kasi walang pasok, walang inaalalang projects, thesis o kung ano pa, siyempre wala din baon. Pero ang bakasyon sa imbes na masaya at walang alalahanin eh parang torture pa ang nararamdaman ko.  

Bakit? 

Kasi hindi na nga kami nag kikita ng magandang dilag na si chi eh parang nag usap pa si TM at ang mga internet connection namin. Problema kay TM lagi kami Late receiver, nakakainis lang kasi parang alam nya na kung kelan kami nagkukulitan,nag-aasaran  o naglalambingan eh saka naman makikigulo si LR at tulog na kami pag marereceive namin. nakakainis talaga. Si Internet Connection naman bigla bigla nawawala sa kalagitnaan ng Chat namin. Hanep lang para silang nanadya.



Pero sobrang miss na talaga kita CHI!


Pinagsesendan ko siya ng kanta ngayon, ano nga ba yun?! tinagalog ko yung isa sa mga stanza ng i was born for you ni David Pomeranz. tapos isa na din yung nasa taas. yung alipin mo o bihag mo ako'y iyong iyo. (hindi ko kasi alam ang title) . Wala may maishare lang :)  tinawagan ko din siya siguro mga 44 minutes and 13 seconds din kami nag-usap. 

basta ang alam ko, wifey, chi.. I hate the distance between us , i miss you every second of my life and Darkness isn't the absence of light, it's the absence of you..



i miss you more than you can ever imagine. i miss you more than anything.




© Merrill (hubby)







Thursday, April 5, 2012

My Kind of Relationship



I love being in the type of relationship where you're totally comfortable around each other, and there's no pressure to act in a certain way. There's no awkward moments. You can be weird and lazy when you're together, make fun of each other, tickle each other and then just laugh it off like you're best friends because you are.  A relationship where you call each other nicknames and there is lots and lots of laughing involved in the time you spend together, but you can also be serious. You can just be yourself, with the comfort of knowing that's what the other person loves the most. -- I Love You PMHEM ^___^


-chi

Sunday, April 1, 2012

Last Day of March

The hunger games :)


Last day of March , last day ng pagkikita namin , oh wag OA ang iba ang ibig ko lang sabihin eh last na pagkikita namin dahil vacation na hindi dahil sadyang hindi na kami magkikita . oh siya eto na ung nangyari .

Pagkagising ko ayon naghanda agad ng ssusuotin haha! gusto ko kasi magpolo ngayon eh haha ! sige na tama na ang mga che che bureche sa bahay umalis ako dito siguro mga around 10 lang un.. on my way pa walter sumakit ang ulo ko dahil na din siguro sa sobrang init , nag pahinga muna ako dun mga quarter to 11 ayun sumakay na ako pa biñan tapos pa san pedro mga saktong 11 28 pag tingin ko sa relo eh kakadating ko lang di hamak na mas maaga ako ngayon nuh haha ! :)

Mga ilang minuto din dumating na ang maganda kong asawa WOW! haha may radar talaga mata ko sa kanya nakatalikod ako naramdaman ko na agad na malapit na siya. Pag silip ko ayun siya nga haha. pagsakay ayun inaantok ang wifey ko haha (kaya habang nakasakay ng jeep , nag iisip na ako kung pano ko papalabasin ang mood nya haha).

Pagdating sa Festi , naglakad lakad kami hangang makadating ng 4th floor dun sa arcade malapit sa mga cinemas naupo muna kami haha kumakaway na kasi samin sila christie, lili, alisa, jin, mokujin, paul. (oh tama na masyado na ako natuwa mag bigay ng characters ng tekken). Ayon nag laro na kami haha naka two straight wins ako inaantok pa kasi si wifey tapos ayun nung nabuhayan ng dugo lumabas na si  TIN the GREAT. pagkatapos mag laro tumingin kami kung anung oras si hunger games. ayun napili namin ang 3 30 na showing kung san san kami nakaabot, nakarating at tumambay . nanalo ako sa kanya sa laro sa phone ko hahah! im so great ! bago kami pumasok ng cinema eh bumili muna kami ng float and fries combo ng MCDO haha.

pol: tin anong flavor ng float mo?
chi: ah eh , green apple nalang
pol: (masarap ba un) sige iyon na din akin
chi: ai four seasons na lang..
pol: sige iyon na din ang akin :)))

bali ayon kung ano ang kanya iyon na din ang akin gusto ko kasi malaman lahat ng nakakahiligan nyang gawin kainin oh gusto pa subukan. para san? para lagi kami magkasundo at lagi ko maiintindihan kung bakit ganito at ganoon :) ganyan naman dapat pag mahal mo ang isang tao diba. dapat alam mo at tanggap mo ang limitations and capabilities ng bawat isa (lumalayo na tayo, mema lang )

pag pasok kay hunger games. nanuod kami PROMISE behave ako. (kahit medyo pilyo sa loob ng cinema hahhaahah!) ang ganda ng palabas at ayon hangang paglabas namin ng sinehan eh naghanap na kami ng llibro ano ang kasunod na story at ano ang last book hahahaha naadik talaga kami haha! ang nakakatawa pa pag dating namin sa natinal eh nakakita kami ng bokk ung parang profiles ng tributes eh nandoon haha kasi ang pita pala na nadidinig namin eh peeta talaga akala namin ng wifey ko eh british accent lang ng peter! haha! gawa na din ni harry potter eh naimpluwensyahan na ang tenga namin haha:)

Binilhan ko din ng tuta si wifey haha! sabi ng wifey ko si polin daw eh lalaki un aso sabi ko bruno nalang haha! ang cute tapos bruno ang name hahah!

pagkatapos magliwaliw after ng movie tahimik pa din sa jeep . tumambay muna sa mini stop. naiiyak ang wifey ko , pero buti hindi siya umiyak kasi nahahawa ako pag may umiiyak e mamaya nun iyakan na. tapos pagka uwi eh hinatid ko na siya mawawala ba si goodbye kiss :* haha humirit pa nga ako eh haha! kaso pagbalik ko na lang daw :)

gusto ko man na magkita kami this vacation pero nasa QC ako eh .
isa lang nasa isip ko habang pauwi .

"Sana June na"


© Merrill (hubby)