Tuesday, April 10, 2012

To my dearest hubby (part 2),

Here's the part 2. A more serious one. I hope so. :P
MagPROMISE ka muna na babasahin mo muna yung part 1 bago 'to.
Wag kang talkshit. :P


They say that everyone has someone in their life that makes them look forward to the next day. Well, hubby, thanks for being that person for me. 


Thank you
...for always putting a BIG smile in my face like this ^___________^
        -Every time na magkasama tayo hindi pwedeng hindi ako ngingiti or tatawa. Laging sumasakit yung panga ko sa kakatawa sa mga kwento mo. =)) Hanggang sa pag-uwi ko, nakangiti pa din ako. Nakakahawa na kasi ang kabaliwan mo. :P

...for putting colors in my life
        -Ayy, wait. Let me scratch that. Thanks for turning my life into color PINK. You know how much I love that color. Right? =D Simula nung naging tayo, kahit nga nung hindi pa eh, nung time pa lang na lagi tayong magkasama t'wing friday and saturday at nagdodota sa may perps, dun palang napapalitan mo na ng kulay ang colorless kong buhay. Haha (nagrhyme pa.XD) Dun palang unti unti mo na akong nakukumpleto. What more pa ngayon? =)

...for being the ever so understanding boyfriend/husband/best friend
       -Hindi mo kasi ako sinusungitan pag may topak ako instead, you find ways para mawala ang topak ko. :P lagi ka lang andyan para intindihin ako. Kahit ako mismo, hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Pilit mo pa din akong iniintindi kahit na minsan, ayaw ko nang magpaintindi. Oo nga pala, sinama ko na din yung best friend 'coz we can both be lovers and best friends. Which is the type of relationship that I really want to have. =))

...for your time =))
       -Yung time na inaallot mo sakin para makasama ako, itext, tawagan, gumawa ng entry sa blog natin, basahin yung ginagawa kong kwento sa wattpad, makipagchat sakin at sa makinig sa mga hinaing ko sa buhay. XD Sobrang daming thanks hubby. Hindi ka kasi nauubusan ng time sakin kahit na busy ka. :*

Lastly...
...for your (*insert adjective here) LOVE
        -We know that hindi lahat ng tao kayang ibigay yan ng buo, ng walang pag aalinlangan, ng sobra, ng walang kondisyon at ng walang kapalit. Pero ikaw, ibinigay mo yan sakin kahit na sinabi ko sa'yo dati na hindi ko yan masusuklian. Kahit na sinabi ko dati na hanggang magkaibigan lang talaga tayo. Pero ngayon, nabusog ako. Haha! Kinain ko lahat ng sinabi ko. Kasi bigla akong napamahal sa'yo. =)

Honestly, nung 4th year tayo, simula nung nagkatabi tayo pag economics, ang tingin ko talaga sa'yo nun, parang kuya ko hanggang sa naging mag paps tayo. :)) Sa'yo lang kasi ako nakakapagsumbong ng kung ano ano eh. Tapos ang lagi mo pang sinasabi dati, "Ano babanatan ko na ba? Sabihin mo lang. Haha!" o kaya naman "Ipapakulam ko na ba Tin?" Hindi ko alam kung anong meron sa'yo at bigla akong napapashare ng kung ano mang problema ko. Hehe

Sorry
...sa pagiging pasaway ko. Pero hubby, don't worry. I'm REALLY trying to be a good girl for you and for Vic. XD Kasi ayokong maging sakit ng ulo mo. Ayokong magalit ka sakin dahil sa mga kalokohan ko. Lalo na sa school at sa kung saan pa man. Hoho sorry din kung minsan mas mahaba pa yung oras ko sa pagcocomputer kesa sa pagtetext sa'yo. I admit, adik ako sa wattpad. Pero, lilipas din naman po yun pero yung pagkaadik ko sa'yo, hindi 'yun magbabago. ^.^ Basta hubby, sorry po. :*


Sa loob ng 31 days natin bilang magboyfriend, nabago mo ako hubby -- unintentionally. Alam mo naman po diba na matigas ang ulo ko. I don't easilly listen to someone. Alam mo din naman na ayoko ng "dapat ganyan, dapat ganito". I hate instructions. I usually do what I want. Ayoko sa lahat, yung pinagbabawalan ako. Kahit na si Tess at Vic na ang nagsasabi ng "wag ganito, wag ganyan" mas madalas, ginagawa ko pa din kung ano yung kabaligtaran ng gusto nila. Ayoko kasi ng dinidiktahan ako. Lalo na pag pinupuna yung mga sinusuot ko. XD Ang nasa isip ko lang kasi, kaya ko ang sarili ko kaya gagawin ko kung ano ang gusto ko. But, you know what? Nung naging tayo, napansin ko na naghihintay muna ako ng permission mo bago ko gawin ang isang bagay. Nagpapaalam na ko sa'yo ng oras ng pag uwi ko. Yung isusuot ko, ipapaalam ko pa din. Kahit na alam ko naman sa sarili ko na hindi mo naman makikita yung isusuot ko kasi hindi naman kita makakasama sa araw na yun pero pag ayaw mo talaga, hindi yun ipipilit. Kasi ayokong magalit ka. Ayokong mawala ka. 


Mahal na mahal kita hubby, alam mo yan. SOBRA. At itong mga bagay na 'to, hindi ko naman 'to ginagawa dati eh. Sa'yo lang. Kasi sobrang special mo. :*


I will always and forever be in love with you. I love you so much. 

Happy 1st Monthsary!

-wifey

No comments:

Post a Comment