The hunger games :)
Last day of March , last day ng pagkikita namin , oh wag OA ang iba ang ibig ko lang sabihin eh last na pagkikita namin dahil vacation na hindi dahil sadyang hindi na kami magkikita . oh siya eto na ung nangyari .
Pagkagising ko ayon naghanda agad ng ssusuotin haha! gusto ko kasi magpolo ngayon eh haha ! sige na tama na ang mga che che bureche sa bahay umalis ako dito siguro mga around 10 lang un.. on my way pa walter sumakit ang ulo ko dahil na din siguro sa sobrang init , nag pahinga muna ako dun mga quarter to 11 ayun sumakay na ako pa biƱan tapos pa san pedro mga saktong 11 28 pag tingin ko sa relo eh kakadating ko lang di hamak na mas maaga ako ngayon nuh haha ! :)
Mga ilang minuto din dumating na ang maganda kong asawa WOW! haha may radar talaga mata ko sa kanya nakatalikod ako naramdaman ko na agad na malapit na siya. Pag silip ko ayun siya nga haha. pagsakay ayun inaantok ang wifey ko haha (kaya habang nakasakay ng jeep , nag iisip na ako kung pano ko papalabasin ang mood nya haha).
Pagdating sa Festi , naglakad lakad kami hangang makadating ng 4th floor dun sa arcade malapit sa mga cinemas naupo muna kami haha kumakaway na kasi samin sila christie, lili, alisa, jin, mokujin, paul. (oh tama na masyado na ako natuwa mag bigay ng characters ng tekken). Ayon nag laro na kami haha naka two straight wins ako inaantok pa kasi si wifey tapos ayun nung nabuhayan ng dugo lumabas na si TIN the GREAT. pagkatapos mag laro tumingin kami kung anung oras si hunger games. ayun napili namin ang 3 30 na showing kung san san kami nakaabot, nakarating at tumambay . nanalo ako sa kanya sa laro sa phone ko hahah! im so great ! bago kami pumasok ng cinema eh bumili muna kami ng float and fries combo ng MCDO haha.
pol: tin anong flavor ng float mo?
chi: ah eh , green apple nalang
pol: (masarap ba un) sige iyon na din akin
chi: ai four seasons na lang..
pol: sige iyon na din ang akin :)))
bali ayon kung ano ang kanya iyon na din ang akin gusto ko kasi malaman lahat ng nakakahiligan nyang gawin kainin oh gusto pa subukan. para san? para lagi kami magkasundo at lagi ko maiintindihan kung bakit ganito at ganoon :) ganyan naman dapat pag mahal mo ang isang tao diba. dapat alam mo at tanggap mo ang limitations and capabilities ng bawat isa (lumalayo na tayo, mema lang )
pag pasok kay hunger games. nanuod kami PROMISE behave ako. (kahit medyo pilyo sa loob ng cinema hahhaahah!) ang ganda ng palabas at ayon hangang paglabas namin ng sinehan eh naghanap na kami ng llibro ano ang kasunod na story at ano ang last book hahahaha naadik talaga kami haha! ang nakakatawa pa pag dating namin sa natinal eh nakakita kami ng bokk ung parang profiles ng tributes eh nandoon haha kasi ang pita pala na nadidinig namin eh peeta talaga akala namin ng wifey ko eh british accent lang ng peter! haha! gawa na din ni harry potter eh naimpluwensyahan na ang tenga namin haha:)
Binilhan ko din ng tuta si wifey haha! sabi ng wifey ko si polin daw eh lalaki un aso sabi ko bruno nalang haha! ang cute tapos bruno ang name hahah!
pagkatapos magliwaliw after ng movie tahimik pa din sa jeep . tumambay muna sa mini stop. naiiyak ang wifey ko , pero buti hindi siya umiyak kasi nahahawa ako pag may umiiyak e mamaya nun iyakan na. tapos pagka uwi eh hinatid ko na siya mawawala ba si goodbye kiss :* haha humirit pa nga ako eh haha! kaso pagbalik ko na lang daw :)
gusto ko man na magkita kami this vacation pero nasa QC ako eh .
isa lang nasa isip ko habang pauwi .
"Sana June na"
© Merrill (hubby)
No comments:
Post a Comment