wednesday ;
pagising ko ang pinoproblema ko na agad kung saan ako pupunta kasi ito na ang pangalawang araw ng pasok-pasokan ko. Kailangan ko kasi magbigay ng white lies para hindi pa ako papuntahin sa QC haha :D , sa totoo kasi i want to spend this vacation with chi (wifey) kaso sa kasawiang palad kailangan ko pumunta ng QC para mag work sabi na din ng Amang hari ko (s****).
So ayun nagtext ako sa tropa ko si shawn to be specific na dun muna ako tatambay habang hinihintay ko si chi. nasa san pedro ako pero ang isip ko lumilipad sa pup (miss ko eh). habang nag hihintay nanood nalang ako sa iphone ng "the longest yard". pero hindo ako sure sa title ha. tapos i think mga quarter to 5 sa relo dun nagtext si wifey na paalis na siya dun kaya ako naman nagmadali na din mag ayos para mauna sa ministop kung san kami magkikita.
Ayon pagdating ko dun nagintay din ako ng mga 27 mins and 36 secs natagalan ang wifey ko gawa ng sinumpang pacita na yun na sa araw araw na ginawa ng diyos eh traffic umulan man o umaraw o kahit mag snow. Nag stay kami sa ministop ng mga 3 mins tapos pumunta kami sa SM tunasan . Ayun nag liwaliw lang kami , hindi ko na matandaan kung ano ang kinota ko ang alam ko lang masaya ako kasi kahit papano nagkasama kami ng wifey ko :D
© Merrill (hubby)
No comments:
Post a Comment