Saturday, March 24, 2012

14th day

8 hours with him~


12pm nasa mini stop na si Meril. Alert nuh? Hehe nung nagtext siya na andun na siya maya maya, umalis na din ako ng bahay. Nag abang na kami ng jeep papuntang festival. Before 1pm, andun na yata kami. Ang bilis ng byahe. At ang gulo din ng buhok ko. Hoho

Pagdating namin dun, nag-ikot muna kami. Naghanap ng malalaruan ng Tekken. Hehehe adik na kami dun. O ako lang? Hehe Pumunta muna kami sa excite. Dun kami unang naghanap. Meron nga pero may mga naglalaro naman. Sunod dun kami pumunta sa 4th floor. Sa may sinehan. May mga arcade din dun. Syempre may Tekken. :DDDDD Tekken 6, yun yung nilaro namin. :DDDD Ewan ko kung ilang tokens yung pinapalit niya. Natapos kami maglaro ng 1:25pm tumingin kami ng magandang movie na papanoorin. Nakita namin yung Mirror Mirror: The Untold Story of Snow White So ayun, 3:20pm pa yung next. So pumunta muna kami sa foodcourt.

Naglaro nalang kami sa ipod touch niya ng tap tap revenge (Katy Perry) 2-0 ang score. Ang galing ng hubby ko eh. Wala akong panama. Hehe Tapos yung monster dash naman 4-1 na ang score. Kawawa naman ako. Hehe Before 3pm bumalik na kami sa 4th floor. Bumili na siya ng ticket. 2:55pm pumasok na kami sa cinema 2.

During the movie, nangungulit na naman si Meril. AS IN ANG KULIT TALAGA. Haha nangigiliti, hinahawakan yung bilbil ko tas mangingiliti na naman. Hahaha ANG KULIT PROMISE! Pero nanahimik siya, kasi nilamig. Hehe hindi ko na matandaan kung ano yung kinukulit niya sakin pero bigla nalang niya akong kiniss sa cheek tapos sa lips.

So, pagkatapos nun, nood ulit ako. Medyo nanahimik siya. Nilalamig na naman. Hehehe Ang tahimik talaga. Bihira siya magsalita nung time na yun. Pero, bigla na siyang nagsalita.
"Astig ka talaga, nakashorts ka pero hindi ka nilalamig" 
"Haha dapat nagshorts ka din, Ganito kaikli tapos nakasando. Hehe"
Sabay inasar ko siyang SIS.

"isa pa. :|"
"sis. :D"
"isa pa talaga. >:( "
"sis. :DDDD"
Pagkatapos nun, hinalikan na naman niya ako. Dalawa pa. Sa lips ulet. -__-" Ayaw niyang kumiss. Nanahimik na ako pagkatapos nun. Haha Pagkatapos ng movie, dinala ko siya dun sa hmmm, pet shop bang matatawag yun? Siguro nga pet shop. Nung last time kasi na punta ko dun, may nakita yata akong ahas. Haha ipapakilala ko sana sa kanya. (Sorry hubby. I'm so bad talaga. Pakiss nalang. :*) tapos, nagtingin kami sa mga book sale tsaka dun sa power books. Yun na yung last tapos kumain na kami sa steak escape.

Umuwi na kami. Paglabas namin medyo malakas ang ulan. May pagtakbo sa ulan effect pa kami bago sumakay ng jeep hindi ko na siya pinagbukas ng payong nun Nakauwi ako ng saktong 8pm. Si Meril before 9pm. Eight hours kaming nagkasama ngayon, pero parang bitin pa din. Pagkauwi ko, miss ko na agad siya~

-chi

No comments:

Post a Comment