Start na ng summer class namin. Ginising niya ako ng saktong 5am sa phone ko. Pero, 5:02am na ako nakapagreply sa kanya. Hehe Ang aga ko gumising, ang aga rin namin pumasok ni Marj sabay hindi kami inattendan ng Prof namin sa first subject. Deimit! 2nd subject, hindi na ako umattend. Ayoko. Iddrop ko na yun. Next time nalang kami maghaharap ni Bonilicious. xD
12:10pm, umalis na ako sa sintang paaralan para imeet ang hubby ko sa 7 11 olivares. Hindi ko alam kung anung oras na ako dumating sa olivares. Hinintay namin si Joe kasi ibabalik na niya yung gamit ni Meril. Nagkwentuhan muna kami dun. 1pm something, pumunta na kami sa SM. Whaha ang walang kamatayang SM Sta Rosa. XD
Medyo nakakabadtrip kasi naman, gusto namin magtekken pero parehong occupied sa Tom's World at Quantum. Amp Magdodota nalang sana kami sa Netopia, waley din, may dalawang vacant na PC pero hindi magkatabi. Kaya wag nalang. Bumalik kami sa food court at nakita namin si Izzy. :D After nun, naghanap kami ng mauupuan ulet at nag net nalang kami sa netbook ni Meril. Pinakita ko sa kanya etong blog ko. Pero hindi ko pinabasa sa kanya lahat. :D
Bumalik na kami ulet sa Quantum para magtekken. Ayun nakapagtekken na din kami sa wakas! :DDDDDD at dun ko lang masasabi na may Tin the Great. XD Pagkatapos nun, nag-iikot ikot muna ulet kami. Pero, bumagsak pa din kami sa food court. Haha naglettering ako sa kamay niya.Ambigram daw yun sabi niya.
After nun, kumaen na kami sa chowking, Nagiging peyborit na yata ni Meril ang Pork Chow Fan.Whaha well, peyborit din yan ng timang. :) Pagkakain namin, nagyaya na ako umuwi. Medyo mabilis lang ang byahe. Nung nasa Pacita na kami, biglang naalala ni Meril yung iniwan naming gamit sa supermarket. So ayun, dapat kasi tatambay pa kami sa mini stop pero hindi na kasi kelangan niyang balikan yung gamit niya sa SM. Hays (sorry ulet hubby) So, ayun. 6:30pm nakauwi na ako sa bahay. Sakto lang. :)
Isang nakakalokong araw to para samin. Pero masaya naman kasi magkasama kami~
-chi
No comments:
Post a Comment