Le sad~
2 days. 2 days na kaming hindi nagkikita. Nakakapraning promise. Sobrang miss ko na hubby ko. Nakakaasar lang yung feeling na gusto mo na talaga siyang makasama pero wala kang magawa kasi hindi talaga pwede. Finals na kasi niya at kelangan niyang magreview. Alangan namang umepal ako di ba?
So ayun.Ngayong gabi, hindi narin kami masyadong nakapag text. Pagod ako. Wala sa mood. Isa lang ang gusto kong gawin -- matulog.
Pero, bakit nga ba ako napagod? Hmm, sa pav. Oo nga pala. Pumunta kami sa Pavilion. Ako, si jeng, joy at marj. Kumain sa Mang inasal at bonggang bonggang nag extra rice. Pagkatapos namin kumain, nag-ikot ikot muna kami at hinintay ang katagpo ni marj. Si eljohn daw. Tapos, nag-ikot na ulit kami. 7:15pm naisipan na namin umuwi.
Medyo mapang-asar lang sa jeep. Nasanay kasi ako na kasama ko si Meril pauwi. Pero, hindi eh. Tapos ang mga kasabay ko pa sa jeep, puro couple. Ang saya diba? So pinili ko nalang matulog sa jeep. 8pm nakauwi na ko. Hindi na ako kumain. Ayun. Ayun na yun~
-chi
sana hindi na mag 3 days na hindi ko siya kasama. :(
No comments:
Post a Comment