Friday, May 25, 2012

HANDS UP! you win.. you win..



hindi maaalis ang tampuhan.. away.. bangayan.. at pagka inis... sa isang relasyon
hindi din yan dahilan para maghiwalay at iwan ang isa't isa at maglakad ulit ng mag isa.
sinusubok lang tayo ng panahon kung gaano katibay ang binuo naming pagmamahal.. 

kaya kami ni wifey ..  we don't break it ; we fix it

 All of us wants to be happy. everybody wants  happiness in their so called relationship, nobody wants pain either, but you can't have a rainbow without little rain..


HANDS UP!

hands up! suko na ako! T_T 

Suko na ako,
 - hindi dahil hindi ko na kaya, 
 - hindi dahil sawa na ako
 - hindi dahil ayoko na..

kundi dahil mas pipiliin kong tumahimik na lang muna at hayaang maging ok ka bago tayo mag usap ulit..


hahayaan na muna kita maging ok bago kita kausapin lalo na kapag umiinit na ang usapan natin at lumalanas na si INIS , si GALIT at si IRITA.. kapag yan kasi eh nasobrahan ng dosage eh hindi na natin alam kung ano pa ang pwedeng mangyaring mas malala? 

baka bigla kang pumutok at maisipan na iwan ako at hiwalayan na lang, na siyang hindi ko naman kaya, kaya mas mabuti pang tumahimik na lang muna at kausapin nalang kita kapag okay ka na dahil sa totoo hindi ko talaga kaya na mawala ka sa akin wifey..

hinding hindi ko kaya...


when i have you , i have nothing more in the world to wish for..


© Merrill (hubby)

Friday, May 18, 2012

Jollibee :)

'Pag nasa fast food ka, kahit na sabihin man yang "fast" food, 'pag umorder ka, kelangan mo pa ring maghintay. Kasi pag nagmadali ka, pwedeng mali ang pagkaing maibigay sa'yo o kaya naman kulang. Parang sa love lang yan kahit na humiling ka na kay God, kelangan mo pa ring maghintay para sa tamang tao para sa'yo at pag nagmadali ka, maaring maling tao yung mapunta sa'yo.  


Hmm, dati lang yun kasi nangyari na eh. Alam mo kung kelan yung best day of my life? Nung March 10, 2012 po yun at nangyari sa loob ng McDonalds Olivarez. :) Simula nung araw na yan, lagi na akong masaya. Yung tipong pagkagising ko pa lang nakangiti na ako hanggang sa pagtulog. Like this oh ^_______^ 

Kilala mo  yung best person in my life? Siya lang naman yung pinakagwapong si Paul Merrill Hementera... yung fiance ko... at yung sis ko. ^___^v (SISiguraduhin kong ikaw ang makakasama ko habambuhay) Yung nag-iisang tao na hindi sumablay sa pagpapangiti sakin. At hindi rin sumasablay sa pagkiss sa isang araw. :P 


Uhm, hubby...




Yup. Ikaw lang talaga habiness. Kasi naman, pag nag effort sa'yo, sure na hindi yun masasayang. :)) At mahal na mahal kita habiness. Hindi ko na rin maexplain kung gaano kita kamahal kasi sobra talaga at baka maging OA na pag dinescribe ko pa. Hehe


Sobrang miss na din kita habi. Kelan kaya ulit kita makikita ih. Nangungulila na koooooo. Huhuhu! Sobrang kulang lagi yung araw ko tuwing hindi kita nakikita at nakakasama. Hubby, i-fast forward mo na please...

Kung nagtataka ka kung bakit jollibee yung title nito at yung post ko eh wala naman kinalaman sa fast food na yun, well, nagugutom lang talaga ako kaya yun ang naisip kong title. Hehe at para ipartner na rin sa previous post mo. Kahit na magkalaban ang McDo at Jollibee, magpartner pa rin sila. Kasi pag nabanggit ang McDo, papasok din sa isip mo ang Jollibee. Parang tayo, pag nabanggit ang "Paul" kadikit na niyan ang pangalang "Tin". Kaya matatawag na din na magpartner tayo... forever. Kahit hindi man yan nag-eexist, pipilitin natin at tayo ang makakapagpatunay na pwedeng mag-exist ang FOREVER :)


-chi


Monday, May 14, 2012

McDonalds :)

       
Ang Mcdonalds ay isa sa mga fast food na kalaban ng jollibee o kaya ni KFC. At meron silang mga pagkain na sadyang nakakataba haha. Isa na din ito sa mga naging paborito kong kainan eh lalo na  pag kasama si chi. bigla naging special si mcdo kahit na bawal gamitan ng straw ang float nito kaya hindi mo eenjoy paboritong line ni chi yan pag nasa mcdo. 

Dito ko din nadinig ang hinding hindi makakalimutan na pag sagot saiyo ng taong mahal mo, in short ang pag sabi ni chi ng "tayo na paul" :) madami din naman nakakalam niyan, yung pakiramdam... masyado masaya kaya ang hirap na iexplain pero ang alam ko lang jan na nabuo ang mga araw na masasabi ko na din sa wakas na akin na si chi :)


and you.. you are


oo nga pala.


kaya pasensiya na kung seloso ha :) sorry :*



I LOVE YOU :^*




© Merrill (hubby)

Wednesday, May 2, 2012

Nahanap ko yung langgam!

haha! hinanap ko talaga yung langgam chi! Look! eto oh!



JOKE LANGS! AKO YUNG LANGGAM haha pero sa totoo lang hinanap ko pa talaga yung langgam haha yung nagbabasa pala mga 12 hours ago :)

tapos...

Naalala ko yung tanong mo chi na kung gusto ko ba si glai? Hindi ko lang talaga maala-ala kung kailan yun basta mga mid ng december yun. ganto pa pagkakatanong oh.. may gusto ka ba kay paps? ganyan ang pagkakaktanong mo nun sa natatandaan ko eh ang tagal ko pa ata nag reply at ang sabi ko ay oo. honest ako sa iyo eh.

Balikan natin yung tanong "may gusto ka ba kay paps?"  at sagot ko naman ay Oo,

Iba iba kasi ang meaning ng

crush, gusto at mahal o love . 

 para sa akin ha. parang ganito lang yan eh

  for now, for a month, for a life time

kung ang pagtatanong mo siguro eh mahal mo ba si paps? malamang sa alamang eh hindi ang isasagot ko.

Natatawa nga ako pag tinatanong mo kung bakit ayaw ko sabihin sa kanya? eh pano ako aamin kung sa iyo ako dapat umamin? kung sa iyo dapat dahil sa iyo ko nararamdaman ung salitang *love*mahal*any foreign etc* at sa pagtanung mo nyan ng ilang beses eh ayun KABOOOM nasabi ko sa iyo na mahal kita (nadulas ba ako o talagang sinabi ko nang mahal kasi kita chi)

at yang phrase na magkaibigan lang tayo pagkabasa ko nyan sa text mo para akong pinagsakluban ng inidoro at tabo at nabasa pa ng butas na tubo. Ilang beses mo din nasabi sa akin yan pero hindi ako huminto ang alam ko lang  mahal kita at hindi ako naghihintay ng kapalit ang gusto ko lang nun iparamdam sa iyo na mahal kita kahit ako sa iyo eh kaibigan lang. pero minahal mo din ako at sinabing tayo na nung ika-sampu ng marso taong dalawang libo at labing dalawa. haha

sa panliligaw palang umandar na agad yung pag treat ko sa iyo ng special ka. Isa na siguro dun yung hindi na ako pumunta sa concert ng urbandub ayoko kasi umuwi ka nang mag isa na ganoon eh at mas pinili ko na makasama ka kung hindi ako nagkakamali eh January 21 yun.

HAHA! oo nga pala nagpangap ako na boyfriend mo nun at ako pa mismo ang nagsabi na ako na ang magpapangap at ako na ang kumuha ng phone mo para itext na tayo na :) nagseselos kasi ako. madaming beses yun eh. nagkataon pa na bumili kami nang tinapay nun ni glai at dala ko yung phone mo at biglang may message na mahal kita *something* rereplyan ko sana nang mahal ba kita? eh diba maingay ako at sinasabi ko kung anong irereply ko kung hindi ako napigilan ni glai malamang sa alamang eh. MESSAGE SENT yun. haha!


pero eto ang sure!-----------------------------------------
                                                                                        |
                                                                                        |
                                                                                       V

pwede bang this day na? o kaya bukas para naman hindi mo masabi na excited ako :)


and in that moment



yan infinite kasi sabi mo po walang forever yan infinite :)



haha oh yan naman po ang masasabi ng langgam :P

WIFEY!CHI! I LOVE YOU SO MUCH

© Merrill (hubby)

Tuesday, May 1, 2012

Ang Kwentong Langgam




             I Like You. Pag naririnig ko yan or nababasa kung saan man, naaalala ko yung sa interview natin sa english. Pero, I have my own story behind that I Like You thingy. Matagal na rin naman kitang gusto powli. Simula palang nung "paps". Hindi lang siguro malinaw sa isip ko na gusto na kita nun. Hanggang sa December 3, birthday mo, kasama mo si Glai. Nagpunta yata kayo sa sm nun. Ayun, nagselos ako na hindi naman dapat. Hoho at sa mga sumunod pang araw na magkasama kayo ni Glai. Grabe, ayoko man aminin sa sarili ko nun na nagseselos ako, pero wala talaga, nangingibabaw yun. Whaha Hanggang sa naconfused ako at naisip kong iwasan ka nun. Kasi, hindi naman tama yung nararamdaman ko nung time na yun at isa pa, parang committed ako na ewan kay aris nun. Pero, nahirapan akong iwasan ka kasi... simula pa lang dati, special ka na sakin. Ewan ko ba. Haha!

            January 7, nagpanggap ka na boyfriend ko at tinext mo si Aris. Naalala ko pa nun nung gabi na, magkatext tayo, sabi mo "basta 7 ngayon" haha parang ganyan pero hindi eksaktong ganyan yung sinabi mo. Naisip ko bigla, "eh kung totohanin kaya namin?" pero may pumasok ulit sa isip ko ay "iba nga pala ang gusto niya". So, sawi ako. Lalo na nung tinanong kita "paps, may gusto ka ba kay glapaps?" Tapos nung umamin ka na meron, parang kinain ako ng kama nun. Haha! Pero, masaya na rin ako kasi nagtiwala ka sa'kin na sabihin yun. After nun, hindi ko na alam ang mga sumunod na pangyayari. Hindi ko alam kung paano nalipat sakin yung istorya na dapat eh, sa inyo ni Glai.


Pero, gusto mong malaman kung bakit ako nainlove sa'yo? Kasi...


Yung kasweetan mo yung nagpakain sakin ng mga sinabi kong "hanggang magkaibigan lang tayo" tsaka, ang saya mo kasing kasama. Naging komportable na ako pag kasama ka. Yung mga trip natin madalas nagtutugma. Haha! Puro kalokohan. Pero sobrang saya ko pag kasama kita. Hindi mo lang pininturan ng pink ang buhay ko, pero pinuno mo yon ng mga patatas. Haha 

Powli...


 Mahal na mahal kita. Sobra po. Hindi ko man po madalas masabi ng personal, pero handa akong iparamdam sa'yo yun hubby. Kasi naniniwala talaga ako sa "action speaks louder than words" kaya pag nag a-i love you ka sakin at hindi ko sinasagot, hindi po ibig sabihin nun na hindi kita mahal. Hindi lang talaga ako sanay ng sinasabi yung nararamdaman ko. ^_^


Hubby, diyan ka na tumira ha. Wag ka na pong aalis diyan. Kahit puro cholesterol ang kasama mo diyan, diyan ka lang ha. I love you so much. 


Pst! You stole my heart, so I will steal your last name. *wink*


PS: Ahm, kung hinahanap mo yung langgam sa blog ko, hehehe sige po hanapin mo lang. :P 



-chi