I Like You. Pag naririnig ko yan or nababasa kung saan man, naaalala ko yung sa interview natin sa english. Pero, I have my own story behind that I Like You thingy. Matagal na rin naman kitang gusto powli. Simula palang nung "paps". Hindi lang siguro malinaw sa isip ko na gusto na kita nun. Hanggang sa December 3, birthday mo, kasama mo si Glai. Nagpunta yata kayo sa sm nun. Ayun, nagselos ako na hindi naman dapat. Hoho at sa mga sumunod pang araw na magkasama kayo ni Glai. Grabe, ayoko man aminin sa sarili ko nun na nagseselos ako, pero wala talaga, nangingibabaw yun. Whaha Hanggang sa naconfused ako at naisip kong iwasan ka nun. Kasi, hindi naman tama yung nararamdaman ko nung time na yun at isa pa, parang committed ako na ewan kay aris nun. Pero, nahirapan akong iwasan ka kasi... simula pa lang dati, special ka na sakin. Ewan ko ba. Haha!
January 7, nagpanggap ka na boyfriend ko at tinext mo si Aris. Naalala ko pa nun nung gabi na, magkatext tayo, sabi mo "basta 7 ngayon" haha parang ganyan pero hindi eksaktong ganyan yung sinabi mo. Naisip ko bigla, "eh kung totohanin kaya namin?" pero may pumasok ulit sa isip ko ay "iba nga pala ang gusto niya". So, sawi ako. Lalo na nung tinanong kita "paps, may gusto ka ba kay glapaps?" Tapos nung umamin ka na meron, parang kinain ako ng kama nun. Haha! Pero, masaya na rin ako kasi nagtiwala ka sa'kin na sabihin yun. After nun, hindi ko na alam ang mga sumunod na pangyayari. Hindi ko alam kung paano nalipat sakin yung istorya na dapat eh, sa inyo ni Glai.
Pero, gusto mong malaman kung bakit ako nainlove sa'yo? Kasi...
Yung kasweetan mo yung nagpakain sakin ng mga sinabi kong "hanggang magkaibigan lang tayo" tsaka, ang saya mo kasing kasama. Naging komportable na ako pag kasama ka. Yung mga trip natin madalas nagtutugma. Haha! Puro kalokohan. Pero sobrang saya ko pag kasama kita. Hindi mo lang pininturan ng pink ang buhay ko, pero pinuno mo yon ng mga patatas. Haha
Powli...
Mahal na mahal kita. Sobra po. Hindi ko man po madalas masabi ng personal, pero handa akong iparamdam sa'yo yun hubby. Kasi naniniwala talaga ako sa "action speaks louder than words" kaya pag nag a-i love you ka sakin at hindi ko sinasagot, hindi po ibig sabihin nun na hindi kita mahal. Hindi lang talaga ako sanay ng sinasabi yung nararamdaman ko. ^_^
Hubby, diyan ka na tumira ha. Wag ka na pong aalis diyan. Kahit puro cholesterol ang kasama mo diyan, diyan ka lang ha. I love you so much.
Pst! You stole my heart, so I will steal your last name. *wink*
PS: Ahm, kung hinahanap mo yung langgam sa blog ko, hehehe sige po hanapin mo lang. :P
-chi
No comments:
Post a Comment