'Pag nasa fast food ka, kahit na sabihin man yang "fast" food, 'pag umorder ka, kelangan mo pa ring maghintay. Kasi pag nagmadali ka, pwedeng mali ang pagkaing maibigay sa'yo o kaya naman kulang. Parang sa love lang yan kahit na humiling ka na kay God, kelangan mo pa ring maghintay para sa tamang tao para sa'yo at pag nagmadali ka, maaring maling tao yung mapunta sa'yo.
Hmm, dati lang yun kasi nangyari na eh. Alam mo kung kelan yung best day of my life? Nung March 10, 2012 po yun at nangyari sa loob ng McDonalds Olivarez. :) Simula nung araw na yan, lagi na akong masaya. Yung tipong pagkagising ko pa lang nakangiti na ako hanggang sa pagtulog. Like this oh ^_______^
Kilala mo yung best person in my life? Siya lang naman yung pinakagwapong si Paul Merrill Hementera... yung fiance ko... at yung sis ko. ^___^v (SISiguraduhin kong ikaw ang makakasama ko habambuhay) Yung nag-iisang tao na hindi sumablay sa pagpapangiti sakin. At hindi rin sumasablay sa pagkiss sa isang araw. :P
Uhm, hubby...
Yup. Ikaw lang talaga habiness. Kasi naman, pag nag effort sa'yo, sure na hindi yun masasayang. :)) At mahal na mahal kita habiness. Hindi ko na rin maexplain kung gaano kita kamahal kasi sobra talaga at baka maging OA na pag dinescribe ko pa. Hehe
Sobrang miss na din kita habi. Kelan kaya ulit kita makikita ih. Nangungulila na koooooo. Huhuhu! Sobrang kulang lagi yung araw ko tuwing hindi kita nakikita at nakakasama. Hubby, i-fast forward mo na please...
Kung nagtataka ka kung bakit jollibee yung title nito at yung post ko eh wala naman kinalaman sa fast food na yun, well, nagugutom lang talaga ako kaya yun ang naisip kong title. Hehe at para ipartner na rin sa previous post mo. Kahit na magkalaban ang McDo at Jollibee, magpartner pa rin sila. Kasi pag nabanggit ang McDo, papasok din sa isip mo ang Jollibee. Parang tayo, pag nabanggit ang "Paul" kadikit na niyan ang pangalang "Tin". Kaya matatawag na din na magpartner tayo... forever. Kahit hindi man yan nag-eexist, pipilitin natin at tayo ang makakapagpatunay na pwedeng mag-exist ang FOREVER :)
-chi
No comments:
Post a Comment