Thursday, April 16, 2015
Alam mo ba? Syempre hindi. Ano pa bang pake mo? Sinara ko yung puso ko sa lahat. After ni Kurdt. Kasi sabi ko, baka bumalik ka. Ayoko na ng conflict. Nag intay si tanga. Ayan. Nasaktan pa din. Kung nagalit ka kasi pinili ko si Kurdt noon. Sorry. Tama na. Nakaganti ka na. Sobrang sakit na. Kagabi umuwi ka almost 11pm. Inantay ko yung text mo. Wala lang. Gusto ko lang malaman kung nakauwi ka na. Ayun nagtext ka. Galing ka sa kaibigan mo. May pinagdadaan daw sabi mo. Take note: almost 11pm. Naisip ko, oo nga no? Sino ba ko sa buhay mo? Ex mo lang ako. Ex mo lang ako na laging ikaw ang laman ng prayers ko. Na sana bumalik ka na. Na kahit isang hug lang mapagbigyan mo ko. Na inaabot ako ng madaling araw, kinakausap ko si God. Kinukumbinsi. Na sana bumalik ka na sakin. Pero wala eh. Ang tagal ko ng may pinagdadaanan pero asan ka? Wala. Si God lang. Sya lang lang ang karamay ko nun hanggang ngayon. Pinilit kong magpakatatag kasi wala naman akong ibang pwedeng lapitan. Kung meron man, ikaw lang naiisip ko. Pero alam kong wala kang pake. Ayoko na. Sana sa susunod na magkita tayo, o magkausap, kamustahin mo naman ako. Asahan mo, okay na ako. I'm done.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment