I deactivated my fb account. Why? I dunno. Nangako ako sa sarili ko na kakausapin kita pag wala nakong feelings sayo. Pero naiinis ako sa sarili ko kasi hindi kita matiis. Sabi ko sayo noon, hindi na ko mag eexist sa buhay mo. Sabi mo sanay ka na. Mas masakit pala yon. Sana sinabi mo nalang na di mo na ko mahal. Tapos nagulat ako kasi bigla kang nagpadaan ng GM. Ayokong magreply nun pero gusto kitang icongratulate. So ayun. Dun na naman nagstart ang communication natin. Dun na naman nagstart ang takot ko. Takot na lalong hindi ako makaahon. Natatakot ako kasi baka umasa na naman ako. Baka bigyan ko na naman ng meaning to. Baka di ko na naman mapigilan ang sarili kong magtanong kung "meron pa bang chance?" Natatakot ako kasi alam ko naman yung sagot mo. Sa paulit ulit ko ba namang pangungulit sayo, di ko pa ba makakabisa yung sagot mo? Haha nakita ko yung box na pinaglalagyan ko ng mga gifts at letters mo sakin. Nakita ko yung 1st monthsary gift mo, yung ring, yung wallet na andun pa ung dalawang AA. Haha yung mga ticket ng pinanood nating movie, pictures, lahat. Lahat ng pwede kong iyakan nandun. Tanda mo yung puzzle? Yung binigay mo sakin nun nung nakikipagbreak ako. Sa mcdo. Yung may love letter pa. Yung may "babe" may "powli" yung may "tayo" na ayaw mo ng ibalik.
P.S. Kung wala ka na talagang balak bumalik, wag mo na muna akong kausapin. Please?
No comments:
Post a Comment